MATAPOS magpasiklaban sa swimsuit competition, tila lalong umiinit ang labanan dahil mula sa 20 na mga kandidata ay pinangalanan na ang Top 10 ng Miss Universe 2023.
At siyempre, kabilang diyan ang ating pambato na si Michelle Dee!
Narito ang listahan ng mga bansang nangibabaw sa kompetisyon so far:
- Puerto Rico
- Thailand
- Peru
- Colombia
- Nicaragua
- Philippines
- El Salvador
- Venezuela
- Australia
- Spain
Baka Bet Mo: Michelle Dee pasok sa Top 20 finalist ng Miss Universe 2023; tuloy pa rin ang laban para sa korona
Kasalukuyang ginaganap ang grand coronation ng naturang internationa beauty pageant sa El Salvador.
Tulad last year, all-female o puro kababaihan ang bumubuo sa hosting team ng event.
Nagsisilbing backstage correspondent si Miss Universe 2018 Catriona Gray kasama ang American TV personality and actress na si Zuri Hall.
Habang ang mga main hosts ay sina Miss Universe 2012 Olivia Culpo, at TV hosts na sina Maria Menounos at Jeannie Mai.
Samantala, bago pa tanghalin bilang Miss Universe Philippines 2023 si Michelle ay nauna siyang koronahan bilang Miss Universe Philippines-Tourism noong nakaraang taon kung saan ang nag-reyna that time ay si Celeste Cortesi.
Matatandaan din na si Michelle ang nagwagi ng Miss World Philippines noong 2019.
Stay tuned para sa real-time ganaps mula sa Miss Universe 2023
LIVE UPDATES: Miss Universe 2023
Michelle Dee pasok sa Top 20 finalist ng Miss Universe 2023; tuloy pa rin ang laban para sa korona