Magkano nga ba ang halaga ng kabuuang premyo ng mananalong Miss Universe 2023?

Magkano nga ba ang halaga ng kabuuang premyo ng mananalong Miss Universe 2023?

Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee

SIGURADONG abangers na ang lahat ng supporters (pati mga bashers) ni Michelle Dee sa gaganaping grand coronation ng Miss Universe 2023 ngayong umaga sa El Salvador.

Siyempre, halos lahat pa rin ng mga Pinoy ay umaasa at nagdarasal na maiuuwi ng ating pambatong reyna ang titulo at korona mula sa naturang international pageant.

In fairness, maraming pageant fans ang nagsasabi na malakas ang laban ni Michelle sa naturang international beauty pageant ngayong taon dahil sa bonggang-bonggang performance niya sa naganap na preliminary competition.

Ngayong taon, all-female team ang magsisilbing host sa grand coronation ng Miss Universe 2023 na kinabibilangan nina Maria Menounos, Olivia Culpo at Jeannie Mai. Magsisilbi namang backstage correspondents sina Zuri Hall at Catriona Gray.

Inaasahan din ang pagtatanghal ng award-winning singer-songwriter at record producer na si John Legend na siyang manghaharana sa mga rarampang kandidata.

Baka Bet Mo: Michelle Dee nasa El Salvador na, enjoy na enjoy na naki-’mingle’ sa mga kandidata ng Miss Universe

Para naman sa selection committee ngayong taon, ito’y binubuo nina Halima Aden, Somali-American model; Mexican singer Mario Bautista; Giselle Blondet, TV host mula Puerto Rico; 1977 Miss Universe Janelle Commissiong mula sa Trinidad and Tobago; American social media personality Avani Gregg.


Nandiyan din sina Carson Kressley, TV personality, actor, at designer mula sa US; Connie Mariano, Filipino-American physician; Miss Universe 2016 Iris Mittenaere mula sa France; Sweta Patel, Roku’s Vice President of Merchandising and Growth Marketing; at Denise White, Miss Oregon 1994 at American businesswoman.

Baka Bet Mo: Balitang naaksidente si Michelle Dee sa El Salvador fake news: ‘Don’t believe it! We’re all good!’

Walang inilalabas ang Miss Universe Organization kung magkano talaga ang halaga ng mapapanalunan ng magwawaging kandidata this year.

Isa siyempre sa pinakabonggang prize ng itatanghal na pinakareyna ng universe ngayong araw ay ang ipuputong na korona sa kanya mula sa Mouawad na nagkakahalaga ng $6 million na gawa sa diamonds at gold.

Kung ang pagbabasihan ay ang “Mouawad Force for Good Crown” ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, ito ay may 110 carats of blue sapphires, 48 carats of white diamonds, and a 45.14-carat royal blue sapphire sa center nito.

Bukod dito, tatanggap din ng cash prize ang mananalo with access to first class products tulad ng makeup, skin care, exclusive clothing, jewellery at marami pang iba.

At sa loob ng isang taong pagganap niya sa lahat ng commitment at obligasyon bilang Miss Universe, tatanggap din ang winner ng annual salary na $250,000 (more or less) at pananatili sa official residence ng titleholder sa New York City.

 

Stay tuned para sa real-time ganaps mula sa Miss Universe 2023

LIVE UPDATES: Miss Universe 2023

Read more...