2 pasahero patay matapos pagbabarilin sa loob ng bus

2 pasahero patay matapos pagbabarilin sa loob ng bus
Contributed photo

DEAD on the spot ang dalawang pasahero ng Victory Liner bus matapos pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki.

Nangyari ‘yan habang bumabyahe ang bus sa bayan ng Carranglan sa Nueva Ecija nitong Miyerkules, November 15.

Nakapanayam ng CNN Philippines si Police Chief Master Sergeant Vincent Castañeda ng Carranglan police at dito niya kinumpirma ang kumalat na video ng karumal-dumal na pangyayari.

Kwento niya, anim na beses pinagbabaril sa ulo at leeg ang babae at lalaki na nakaupo sa harapan ng bus.

Baka Bet Mo: Kathryn, Daniel spotted na magkasama sa isang event, pambabasag nga ba sa mga nagpapakalat ng chikang hiwalay na sila?

“Patay, dead on the spot. Puro fatal ang tama. Tigatlo po sila, tumagos pala yung isa. Kasi .45 (caliber) ang pinambira,” sey ng pulis.

Ayon pa kay Castañeda, sumakay ang dalawang biktima sa terminal ng Cauayan City sa Isabela, habang ang dalawang suspek ay sumakay sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Walang kinuha o ninakaw sa mga biktima, at napag-alaman nilang mag-live-in partners ang dalawa.

Ayon naman sa chief of Police ng Nueva Ecija na si Police Major Rey Ian Agliam, isa sa mga posibleng anggulo na tinitingnan nila ay ‘yung hindi pagkakaunawaan ng mga pamilya ng biktima.

“Parang tutol dun sa relasyon ng mga biktima ‘yung anak (ng biktimang babae), ‘yun ‘yung isang anggulo,” chika ni Agliam sa programang “Balitaan.”

Patuloy niya, “Pangalawa, ‘yung kinasuhan ng biktimang babae ‘yung kanyang anak ng carnapping at robbery.”

Hanggang ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Read more:

Pinay na ka-join sa ‘All Of Us Are Dead’ nakagawa na ng mahigit 80 K-drama, paano naging artista sa Korea?

Bus driver nagtampo sa mga makukulit na pasahero: ‘Sige ako na lang ang bababa, kayo na magpatakbo n’yan!’

Read more...