Michelle Dee tribute kay Melanie Marquez ang evening gown na inirampa sa Miss Universe prelims

Michelle Dee tribute kay Melanie Marquez ang evening gown na inirampa sa Miss Universe prelims

Michelle Dee

PROUD na ibinandera ng representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 na si Michelle Dee ang istorya sa likod ng kanyang evening gown.

Viral ngayon ang video ng pagrampa ng actress-beauty queen habang suot ang kanyang ‘green viper’ evening gown sa nagdaang preliminary competition.

“An ode to my family legacy and a gem to my country, ang minamahal kong #FILIPINAS,” saad ni Michelle sa kanyang caption kalakip ang video kung saan suot suot niya ang naturang evening gown.

Hindi naman nabigo ang madlang pipol na sumusuporta sa dalaga dahil talagang pak na pak ang naging performance nito sa nagdaang prelimary competition.

Samantala, ibinandera naman ng designer na si Mark Bumgarner ang mga larawan na kuha habang ginagawa ang napakagandang gown na inirampa ni Michelle sa El Salvador.

“Miss Universe Philippines evening gown for the Miss Universe Preliminary Evening Gown Competition is a tribute to a Filipina Icon, Melanie Marquez, her mom, who won Miss International in 1979,” saad ni Mark.

Baka Bet Mo: Michelle Dee kinarir nang bongga ang paghahanda sa Q&A ng Miss Universe 2023: ‘I’m not ashamed to be myself…I am here with a purpose’

 

“This evening gown is encrusted with over 30 thousand different shades of emerald green and black Swarovski crystals. I wanted it to shimmer just like a skin of a green viper; a symbol of wisdom,power, and transformation,” paglalarawan niya sa gown ni Michelle.

Dagdag pa niya, “Cut outs are strategically placed to give it a modern touch, and a cinched waist. A high neckline, power shoulders, and a column silhouette to give it an elegant look.

Pinasalamatan naman ni Mark si Michelle sa napakagandang performance nito sa preliminary competition.

“Thank you @michelledee for a powerful performance tonight!!! You looked amazing and we are excited for you come finals night!!!”

Bukod sa kanyang napakagandang evening gown ay inirampa rin ni Michelle ang red swimsuit at proud na isinigaw ang “Filipinas” nang magpakilala.

Gaganapin ang Miss Universe 2023 coronation night sa November 18 kung saan magsisilbing backstage correspondent si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Related Chika:

Michelle Dee pwedeng manalong Miss Universe 2023, sey ng fans: ‘Maganda ang advocacy niya, alam mong hindi plastic at may pinaghuhugutan’

Rhian Ramos ayaw sundan ang yapak ni Michelle Dee sa beauty pageants: I don’t think I’m going to enjoy it…

Stay tuned para sa real-time ganaps mula sa Miss Universe 2023

LIVE UPDATES: Miss Universe 2023

Read more...