Leila de Lima: Sa wakas, laya na po ako…napakasakit makulong na wala kang kasalanan’

Leila de Lima: Sa wakas, makakalaya na po ako...napakasakit makulong na wala kang kasalanan'

Leila de Lima

AFTER 6 years, pansamantala nang  nakalaya si dating Sen. Leila de Lima mula sa kanyang kulungan sa Camp Crame, Quezon City.

Pinayagan na kasi ni Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 Judge Gener Gito na makapagpiyansa si De Lima sa kinakaharap nitong kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Bukod sa dating politiko, pinayagan din ng korte na makapag-post ng bail ang mga kapwa niya akusado na sina dating Bureau of Corrections chief Franklin Jesus Bucayu, dating aide Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jad Dera.

“Motions for reconsideration of the concerned accused are granted. Thus, the Order of the Court dated June 07, 2023, is reconsidered.

Baka Bet Mo: Hamon ni Anjo kina Jomari at Abby: Magpa-lie detector test kami sa Camp Crame

“Consequently, accused De Lima, Bucayu, Dayan, Sanchez and Dera are allowed to post bail in the amount of P300,000 each,” ang nakasaad pa sa resolusyon ng korte na nilagdaan ni Presiding Judge Gener Gito.

Inilarawan ng dating senadora na isang “sweet freedom” ang kanyang paglaya kasabay ng pag-iyak nito dahil sa wakas ay dininig na ng Diyos ang kanyang panalangin.

“Sa wakas, makakalaya na po ako. For years, my whole being has been crying out for justice and freedom.

“For more than six long years, I’ve been praying, praying so hard for this day to come,” ang naging pahayag ni De Lima sa panayam sa kanya ng mga reporter.

“Napakasakit ang makulong ka na wala kang kasalanan, at ayaw ko pong mangyari ito sa iba. But I don’t want to be sad or bitter today. This is a moment of triumphant joy and also thanksgiving,” aniya pa.

Sina De Lima at Bucayo ay inakusahan ng prosecutors na kinunsinte ang ilegal na droga sa New Bilibid Prison mula May 2013 hanggang May 2015 noong ito ay kalihim pa ng Department of Justice.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta kay Sen. Leila de Lima: We need you more out here

Ilang beses itinanggi ni De Lima ang mga akusasyon sa kanya at ipinagdiinang biktima lang siya ng persecution noon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Sangkot siya umano sa pagtanggap ng pera mula sa mga nakakulong na drug lord sa National Bilibid Prison.

Si De Lima ay nakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame mula noong February, 2017 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204.

Matatandaang nadismis na ang dalawang kaso ni De Lima sa Muntinlupa RTC habang ang ikatlo ay patuloy pang lilitisin habang pansamantalang makalalaya ang dating senadora.

Read more...