E, kasi nga, parang tinalbugan pa niya ang mga big stars sa Pilipinas sa natatanggap niyang pag-aasikaso at pag-aalaga mula sa PULP Studios, ang producer ng movie ni Melai.
Nang um-attend ang Kapamilya TV host-actress sa presscon at premiere night ng “Ma’am Chief: Shakedown in Seoul” ay may dalawa siyang bodyguards na ginetsing pa raw mula sa South Korea!
At in fairness, feel na feel ng mga taong present sa dalawang events ang presence ng mga bodyguard ni Melai dahil nakatutok talaga ito sa bawat kilos ng komedyana.
“Mula Korea ‘yan, pinadala ni Inang Reyna (ang tawag niya sa producer nilang si Happee Sy-Go) para maging bodyguards ko. E, mas mukha naman akong bodyguard. Nakakahiya! sinusundan nila ako kahit saan ako magpunta.
“Grabe ang mga bodyguard ko, ang guguwapo. First time kong magka-bodyguards.
“Sabi ko, ano ba nangyari? Bakit kailangan bantayan ang mukha ko? E, mas mukha pa nga akong tanod sa kanila. Ha-hahaha!” ang tawa nang tawa chika ni Melai sa panayam ng ilang members ng entertainment media.
Ayon sa film producer na si Happee, gustung-gusto raw talaga niya si Melai kaya naman superstar level ang ibinibigay niyang trato sa wifey ni Jason Francisco.
“I really lover her bubbly character. Kasi that’s what ‘Ma’am Chief’ is all about, eh. You have to know when to work hard and party harder.
“We are so blessed and proud to have her with us. She basically represented ‘Ma’am Chief’ and she’s the glue that really kept the entire cast together, that makes them all happy.
“The entire shoot namin, walang away, walang drama! It was all good vibes. Wala kaming delay, dahil laging on time ang mga artista.
“Mahirap in the beginning, but because of everyone trying to make a difference in this industry, nagtulong-tulong lahat. So, sobrang laugh trip na lang!” chika pa ni Happee.
At ang mas winner pa rito, nakuha rin nilang mag-special apperance sa pelikula ni Melai ang mga sikat na Korean stars tulad nina Do Ji Han at Lee Seung-gi.
“Basically it was all…kasi po PULP Studios has been in the industry for a while na, eh, especially in K-Pop. So, we use friendship, hahahaha. Tulong-tulong na lang,” sey ni Happee.
Puro pasasalamat naman kay Lord ang sinasambit ni Melai sa dami ng blessings na kanyang natatanggap.
“Ako talaga sinasabi ko si Lord talaga ‘to kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala,” ani Melai.
“Inang Renya (Happee), habambuhay ka po naming ipagdarasal ng buhay mo at ng pamilya mo,” ang dagdag pa niyang sabi.
Samantala, nagkuwento rin si Melai sa naging experience niya while shooting their movie ik South Korea with some Korean production staff.
“Hindi sila nag-uusap na parang kunin mo ‘yung kwan, kunin mo ‘yung ganito wala. Titingnan lang nila,” aniya.
Hindi rin daw nakakaawang tingnan ang mga utility doon dahil mas glass skin pa raw ang mga ito sa kesa sa kanya, “Kasi ‘di ba dito sa atin kung tayong mga artista pack up na tayo tapos makikita natin ‘yung mga utility nakatsinelas lang tapos antok na antok, naaawa ka.
“Sa kanila hindi ka maaawa, glass skin pa ang mga pisti. Mas glass skin pa sa ’yo. Ang guwapo pa rin nilang tingnan parang silang mga oppa!” chika pa ni Melai.
Patuloy pa niya, “Nainggit ako doon sa klase ng disiplina at ‘yung respect nila, at ‘yung hours ng working. Doon pa lang eh, gaganahan ka na mag-work kung ganoon ‘yung hours ng work mo.
“Hindi naman sa ano, kumbaga sinasabi ko lang ‘yung experience ko doon sa pagsu-shoot ko doon sa Korea. Baka mamaya ma-quote quote na naman tayo.
“Pero reality kasi ‘yon. Wala naman tayong compare compare sinasabi ko lang ‘yung experience ko doon na dinala ko rin dito,” sey ng TV host.
Showing na bukas, November 15 ang “Ma’am Chief” sa mga sinehan nationwide, mula sa direksyon ni Kring Kim.