Arci Muñoz nabiktima ng ‘modus’ sa eroplano, ninakawan ng credit cards

Arci Muñoz nabiktima ng ‘modus’ sa eroplano, ninakawan ng credit cards: There’s a dangerous world out there

PHOTO: Instagram/@ramonathornes

NGAYONG malapit na ang Pasko, nagsusulputan nanaman ang iba’t-ibang klase ng mga pagnanakaw upang magkapera.

Isa sa mga hindi nakatakas diyan ay ang aktres na si Arci Muñoz na mismong nabiktima sa loob ng eroplano na papauwi na sa ating bansa galing sa kanyang bakasyon sa Japan.

Sa pamamagitan ng TikTok, ikinuwento ni Arci ang kanyang naging karanasan sa sinasabi niyang bagong modus.

“I’m going back home from Japan. I’m on board in Korean Air, flight number KE704 bound to Incheon [South Korea]. So I have a connecting flight going back home here in Manila…so sa business class ‘to nangyari,” panimula ng aktres.

Ayon sa aktres, nagulat siya na may nakatayo nang lalaki sa cubicle niya ‘nung nagising siya.

Kwento niya, “I was resting in my cubicle and then…May lalaking nakatayo sa cubicle ko tapos kinukuha niya ‘yung magazine sa cubicle ko, knowing that all cubicles in the business class has magazines ‘diba. So ako naman, inisip ko lang na baka wala siyang magazine na andoon sa cubicle ko.”

Buti nalang daw na may nakakita sa ginawa ng lalaki at dito na niya nalaman na ginalaw pala nitong suspek umano ang kanyang bag.

Baka Bet Mo: LTFRB: Mag-ingat sa ‘modus’ na nagpapanggap na TNVS

“Buti nalang this woman, she’s very nice, she’s like sent by God [and] asked me, ‘do you know that guy?’ and I was like, ‘no!’ And then she stood up and she confronted the man, ‘Why did you touch her bag?’ ako naman, sabi ko, ‘bakit nawawala ‘yung bag ko?’ and then I saw my bag on the floor near the aisle, e sa window seat ako nakaupo,” chika ng aktres.

Isinumbong daw nila ito agad sa flight attendant, pero itinatanggi ng suspek umano ang mga ibinibintang sa kanya.

“This guy nakaayos, nakaporma, nakagarbo na mga luxury items. So I was thinking, ano ‘to modus talaga nila? Sumasakay sila ng mga business class, they fly?” tanong pa ng aktres.

At dito na nga ibinunyag ng aktres na nakuhaan siya ng credit cards at ito raw ay ginamit sa ilang transaksyon sa iba’t-ibang bansa.

Patuloy niya, “At first, I didn’t notice something is missing in my bag kasi compiled lahat ng cards ko e. And then after two days, may notification na sa bank ko na someone was using my credit card sa Vietnam at tsaka sa Jakarta.”

@ramonathornes HORROR STORY IN THE SKY. @Korean Air ♬ original sound – Arci Munoz

Dahil sa nakakatakot na karanasan ni Arci, nanawagan siya sa publiko na maging alerto at mag-ingat sa mga ganitong klase ng modus.

“I’m doing this video para lang guys you’ll be aware na may mga ganitong modus kahit sa eroplano. The world is not a safe place,” mensahe niya.

Sabi pa ni Arci, hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na ang madalas niyang napapanood sa mga pelikula ay nangyayari rin pala sa tunay na buhay.

“It’s just really weird. Akala ko sa movie lang nangyayari ‘yung ganito,” sambit niya.

Hiling pa niya sa Korean Air, sana maaksyunan agad ang insidente at para hindi na maulit sa ibang tao.

“I didn’t have time kasi to report him kasi connecting flight ko one hour lang ‘yung layover ko sa Incheon,” paliwanag ng aktres.

Ani pa niya, “So sana Korean Air, I left my email with you and you said you’re gonna follow up in this case. So I hope to hear from you guys and I hope this doesn’t happen to anyone else because if he did this one, for sure, he’s gonna do it again. Not until we do something to stop it. So please, I hope to hear from you.”

Related Chika:

Read more...