Mahusay na aktres bitbit ang mga problema sa trabaho, baka tsugihin na sa ginagawang serye

Mahusay na aktres bitbit ang mga problema sa trabaho, baka tsugihin na sa ginagawang serye

Guess, guess who!?

HINDI na kami magtataka kung mapapahinga sa paggawa ng teleserye ang mahusay na aktres dahil ipinarating na raw sa management ang pinagdaraanan nitong problema.

Balitang palagi raw kasi itong may dala-dalang “bagahe” (problema) sa set ng sinu-shoot nilang programa ngayon.

Madalas daw na nawawala sa sarili ang mahusay na aktres kaya’t laging inaabot ng ilang takes ang kanyang mga eksena.  Hindi nito naibibigay ang tamang pag-arte na hinihingi ng direktor at pati ang mga linya ay nalilimutan din niya.

Baka Bet Mo: Body shamer sunog kay Angel: Malaki ang problema mo sa katawan ko pero mas problema ang face at ugali mo

Nu’ng una raw ay inuunawa ng mga taga-prod ang mahusay na aktres kasi nga naaawa sila dahil ramdam nila ang bigat ng dinadala nitong problema, pero siyempre may hangganan din ang lahat.

Napapagod din kasi ang staff kaya dapat ma-perfect at makauwi na kaya kinailangan ng malaman daw ng management ang nangyayari sa mahusay na aktres at bilang resibo ay binibidyo siya sa lahat ng  kanyang kilos.

Aware kaya ang manager ng mahusay na aktres sa nangyayari sa alaga niya?  Baka kailangan niya itong kausapin para malaman kung ano ang pinagdaraanan nito dahil nakapanghihinayang naman kung tuluyan siyang pagbakasyunin dahil sa problema niya.

Samantala, hindi lang naman ang mga taga-prod at kasamahan ng mahusay na aktres ang nakakapansin sa ginagawa niya, maging ang ilang netizens na nakakakita sa kanya ay nagulat din.

Anyway, sana matapos na ang problemang kinakaharap ng mahusay na aktres dahil nanghihinayang talaga kami sa kanya at magkaroon na rin sana siya ng peace of mind.

Read more...