Game na game na sumabak ang beauty queen at “Magandang Dilag” star sa segment ng “Fast Talk with Boy Abunda” na “Pick and Talk” noong Huwebes, November 9.
Sa bawat round ng “Pick and Talk” ay pipili si Herlene ng isa sa dalawang male celebrities na ipakikita sa kanya sa pamamagitan ng LED screen.
Sa unang round, ipinakita ang mga litrato ni Pambansang Bae Alden Richards at ng “Pambansang Ginoo” na si David Licauco. Dito, ang pinili ni Herlene ay si Alden.
“Mas nauna ko siyang crush, e,” ang paliwanag ni Herlene kung bakit si
Alden ang pinili niya na ninakawan pa niya ng halik nang magkita sila sa isang event.
Matatandaang marami ang nam-bash sa Kapuso actress-TV host lalo na ang mga fans ni Alden kaya naman agad siyang humingi ng paumanhin sa publiko.
At sa last round, sina Alden at Buboy naman ang pagpipilian ni Herlene dahil nga ang mga ito ang nanalo sa first two rounds ng “Pick and Talk”.
“Ikaw, ang final choice, is that Buboy or Alden Richards?” ang tanong ni Tito Boy kay Herlene.
“Buboy,” ang tugon ng Kapuso beauty queen. Pag-ulit pa ng dalaga, “Promise, Buboy talaga.
“Kahit mga tropa-tropa ko, kapag inaano nila na parang ‘o kumusta si Buboy?’ Napakapogi n’on. Sobrang the best nu’n,” ang pagmamalaki pa ni Herlene sa kaibigan niyang comedian.
At dahil sa sagot ni Herlene, talagang napapalakpak din si Tito Boy at ang iba pang tao sa studio.