Jon Lucas ‘most hated villain’ sa primetime TV; teaser ng ‘Firefly’ nakakuha agad ng 1-M views sa loob lang ng 12 oras
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Jon Lucas, Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega
REVELATION ang ipinakikitang akting ni Jon Lucas bilang si Calvin Magallanes sa bagong pinag-uusapang primetime serye ng GMA 7 na “Black Rider.”
Ilang gabi pa lang pero nakuha na ni Jon ang inis at poot ng viewers sa pagganap niya sa kanyang karakter na nakakabangga ni Elias Guerrero, played by Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid.
Nagkrus ang kanilang landas sa isang road rage incident kung saan pinagtanggol ni Elias ang kanyang sarili matapos mabangga ni Jon.
Hindi ito pinalampas ni Calvin at gumanti ito kay Elias – inubos ang mag-iina ng huli kung saan buntis pa naman ang asawa ni Elias na si Bernice (Kylie Padilla).
Kaya naman napakatindi ng galit ngayon ng viewers sa kasamaan ni Calvin at halos isumpa na siya ng mga sumusubaybay sa serye.
Sey ng isang netizen, “Kuya gigil na gigil ako sa ginawa mo kanina bat ka ganyan!”
Sabi pa ng viewer na adik na adik sa “Black Rider,” “Nakuha mo inis ko Calvin pinatay mo mag-ina ni Elias.”
In real life ay alam ng kanyang fans at co-stars na kabaliktaran ng kanyang karakter si Jon kaya naman nagpapasalamat ang Kapuso star sa mga feedback ng viewers.
“Thankful po ako sa lahat ng manonood natin dahil nababasa ko naman lahat ng mga komento nila.
“Kung nagagalit man sila ay
natutuwa naman ako dahil ang ibig sabihin nga ay nagiging epektibo po tayo sa palabas po,” pagbabahagi ng dating member ng grupong Hashtag.
* * *
Saan nga ba matatagpuan ang isla ng mga alitaptap?
Siguradong ito ang tanong na pumukaw sa netizens kaya sa loob lang ng 12 oras, umabot sa more than 1 million total online views ang teaser ng “Firefly” na inilabas nitong Miyerkules, November 8.
Ang “Firefly” ang official entry ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) na ipalalabas this December 25.
Teaser pa lang, tumatak at nag-trending na. Makikita kaagad dito kung gaano ka-promising at heartwarming ang kuwento ng pelikula.
Mababatid ding maraming aral na mapupulot dito, mapa-bata man o matanda.
Ayon nga sa ilang netizens, talagang nakaka-goosebumps ang trailer kaya tiyak na pipilahan ito sa mga sinehan.
Dagdag pa riyan ang mga bigating artista na mapapanood sa trailer gaya na lamang nina Alessanda de Rossi, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at ang child star na si Euwenn Mikael. Naroon din si Dingdong Dantes na may special role.
Icing on the cake pa na directed ito ni Zig Dulay, ang utak sa likod ng mga award-winning films at series gaya ng “Maria Clara at Ibarra.”
Sabay-sabay hanapin at tuklasin ang isla ng mga alitaptap this December 25 sa mga sinehan nationwide.