Winwyn Marquez suportado na ang pagsali ng transgender women sa Miss Universe

Winwyn Marquez suportado na ang pagsali ng transgender women sa Miss Universe: ‘I’m really OK with it!’

PHOTO: Instagram/@teresitassen

TILA nag-iba na ang pananaw ng Kapuso star at dating beauty queen na si Winwyn Marquez pagdating sa pagsali ng transgender women sa Miss Universe pageant.

Sa isang episode ng podcast interview ng entertainment reporter na si Nelson Canlas, sinabi ng titleholder ng Reina Hispanoamericana 2017 na suportado na niya ito.

Inamin niya rin na mali ang naging pahayag niya noon na dapat “natural-born women” lang ang dapat sumali sa nasabing kompetisyon.

“Kasi before, I said parang hindi ako OK do’n,” sey niya sa “Updated with Nelson Canlas” podcast noong November 7.

Baka Bet Mo: Boy Abunda: Natawag na ako ng bobo, pangit, laos, hindi marunong mag-interbyu…lahat iyan masakit!

“Pero now kasi, I think I have to admit to what I said na mali din ‘yun kasi I wasn’t really sure pa sa mga nangyayari,” paliwanag niya.

Sambit pa niya, “Hindi ko pinag-aralan lahat ng nangyayari.”

Kung matatandaan, taong 2018 naging usap-usapan ang kontrobersyal na opinyon ni Winwyn at marami ang bumatikos sa kanya.

“When I educated myself [about the] LGBTQIA+, everything—actually I’m OK with it now. I’m really OK with it—you know, inclusivity and everything,” saad niya sa reporter.

Ani pa ng dating beauty queen, “They’re women e; they’re proud women. They’re given that chance to join, so why not?” 

Taong 2012 nang mag-umpisang tumanggap ng transgender women ang Miss Universe Organization nang payagang sumali ang model na si Jenna Talackova sa Miss Universe Canada pageant.

Sa taong ito, may dalawang transgender delegates, sila ay si Miss Netherlands Rikkie Kollé at Miss Portugal Marina Machete.

Related Chika:

Read more...