NASANGKOT sa isang car accident ang singer na si Zephanie Dimaranan kasama ang kanyang pamilya.
‘Yan ang ibinunyag niya sa isang Instagram post recently.
Hindi na masyadong idinetalye ng dalaga ang nangyari, pero makikita ang isang picture ng kanilang kotse na talagang wasak ang likuran.
Gayunpaman, sinabi ni Zephanie na wala naman sa kanila ang nasaktan at ito ay lubos na ipinagpapasalamat niya sa Diyos.
“Proof of life,” caption niya sa post, kalakip ang ilang litrato matapos ang nangyari.
Chika pa niya, “[Despite what] happened to me and my family, I still praise God. It was a miracle that none of us got hurt badly.”
Nagpasalamat din si Zephanie sa lahat ng tumulong at nagdarasal para sa kanilang kaligtasan.
“To all the people who helped and prayed for us, I thank God for your lives, you know who you are,” mensahe niya.
Kwento pa niya, “Still [in] the process of healing emotionally and physically but it won’t stop me from living life the best way possible.”
“This is a testimony of how great our God is. I love you all and He loves you more,” aniya pa.
Sa comment section, maraming fans ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala at nagpasalamat na ligtas ang singer at ang pamilya nito.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“God is good even the days are not. God bless Zeph. Glad you’re okay na!! [green heart emoji].”
“Thank God at hindi grabe nangyare sainyo. Virtual hugs fam [crying face emoji].”
“Masaya kami na safe ka, mahal ka namin mag iingat ka palagi [hug emoji].”
“Dalangin ko lagi na ingatan kayo, at gabayan, lalo ka na Zeph sa lahat ng mga pinagdaraanan mo ngayon. Mabuti kang tao, mabait, maunawain, nasa iyo nang lahat ng mabubuting katangian ng isang dalaga na karapat-dapat mahalin [red heart emojis].”
Taong 2019 nang magsimulang sumikat si Zephanie matapos magwagi sa talent competition ng ABS-CBN na “Idol Philippines.”
Taong 2022 naman nang lumipat ng television network ang dalaga at pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
Related Chika:
David Licauco sinisi ang sarili sa pagkawala ng bestfriend matapos ang car accident