Pagpapatawad, pagmamahal, pag-asa sa pamilya at relasyon, ibinandera sa ‘CIA with BA: The Producer’s Cut’

Pagpapatawad, pagmamahal, pag-asa sa pamilya at relasyon, ibinandera sa CIA with BA: The Producer’s Cut’

Boy Abunda, Pia at Alan Peter Cayetano

“NOT everyone can be famous but everyone can be great because greatness is determined by service.”

Gamit ang mga salita ng American minister at activist na si Martin Luther King Jr., ganito tinapos ng award-winning TV host na si Boy Abunda ang espesyal na episode ng “CIA with BA” nitong Linggo, November 5 sa ipinalabas nitong Producer’s Cut.

Ibinida ng public service program kung paano nangibabaw ang pagpapatawad, pagmamahal, at pag-asa sa mga pamilya at magkakaibigan na nagbahagi ng kani-kanilang reklamo sa magkapatid na Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano, kasama si Tito Boy, sa nagdaang season.

Kabilang sa mga kasong ito ang reklamo ng isang ina tungkol sa kanyang manugang na lalaki sa pagiging iresponsable nito at nagdulot pa ng aksidente sa isa sa kanyang mga apo.

Baka Bet Mo: Rica Peralejo ikinumpara sa utang ang pagpapatawad: Ganu’n din ‘yung mararamdaman mong sakit…

Nandiyan din ang magkapatid na nag-aaway dahil sa lupa ng kanilang ama; at isang kasera na nais nang paalisin ang nangungupahan sa kanya, kahit pa ito ay kanya nang naging kaibigan, dahil ‘di na ito makabayad mula noong pandemic.

Para lubos na maunawaan ng viewers ang kani-kanilang sitwasyon, nagpakita rin ng never-before-seen footage ang “CIA with BA” kasama kung paano nakatulong ang programa na maresolba ang kani-kanilang mga kaso at kung paano sila makakabangon mula dito.

“Ang mga natutunan natin… ay pagpapatawad, pagmamahal. Pinairal nila ang pagmamahalan,” ayon kay Tito Boy habang pinagninilayan ang unang kaso.

“Ang pangalawang kwento naman,  pinahalagahan nila ang pamilya, pati na rin ang respeto at pagmamahal,” pagpapatuloy niya.

“Ang pangatlong kwento ay tungkol sa pag-asa dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanila at niyakap nila para makapagsimula muli,” dagdag ng TV host.

Baka Bet Mo: Jayda Avanzado binigyan ng pag-asa si Aljon Mendoza sakaling manligaw: ‘Bahala na kung saan kami dalhin ng tadhana…’

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang “CIA with BA”kasama sina Alan, Pia, at Tito Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.

Read more...