THE wait is over mga ka-Bandera!
May petsa na kasi kung kailan ipapalabas sa Pilipinas ang Hollywood film ni Liza Soberano na pinamagatang “Lisa Frankenstein.”
Mukhang mapapaaga ang Valentine’s Day celebration ng fans, dahil ayon sa inilabas na pahayag ng Universal Pictures, mapapanood ito next year sa mga lokal na sinehan sa February 7.
Kasabay ng anunsyo, inilabas na rin ang official trailer ng Hollywood film kung saan tampok ang kwelang eksena ni Liza.
Baka Bet Mo: Liza Soberano natupad na ang ultimate dream, kasali sa cast ng ‘Lisa Frankenstein’
Ang “Lisa Frankenstein” ay umiikot sa isang teenager na pinagbibidahan ni Kathryn Newton na umibig sa isang gwapong bangkay na gagampanan naman ni Cole Sprouse.
Habang si Liza ay gaganap bilang “Taffy,” ang stepsister ni Kathryn.
Sa isang interview nauna nang ikinuwento ni Liza na na-intimidate agad siya sa kanyang co-stars.
“At first, I was definitely intimidated before I got to meet them because I didn’t know how they were going to be, I didn’t know how they were going to treat me. As soon as I got into it, it was as if I never took a break,” chika niya.
Dagdag pa niya, “I’m really happy that a lot of people know that I’m working on this project now because my fans have been waiting for the longest time since 2022 from me to go back into acting. And so I’m happy that they finally have something to look forward to.”
Sa mga hindi pa masyadong aware, ang direktor ng “Lisa Frankenstein” na si Zelda Williams ay anak ng yumaong Hollywood superstar na si Robin Williams.
Si Kathryn naman ay napanood sa HBO mystery drama “Big Little Lies” at sa Netflix teen series na “The Society.”
Si Cole ay isa ring American actor na nakilala sa Disney Channel series na “The Suite Life of Zack & Cody.”
Related Chika:
Vince Tañada tatapatan ng ‘Katips’ ang ‘Maid in Malacañang’ ni Darryl Yap