Para sa may kaarawan ngayon: Nasa retrograde ang planetang Mercury. Magtipid, sa Novermber 4 na uli gumasta at ipatupad ang mga bagay na nasa isipan. Ang pinaka-mabuting magagawa habang nasa retrograde ang Mercury ay ayain ang kasuyo sa isang tahimik na lugar at duon kayo magkuwentuhan. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om.” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – May paglalakbay na iaalok ang isang kabigan. Sa pinansiyal, ang paglayo sa sariling bayan ang magdadala ng pag-unlad. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sayong pagbabalik, mainit na romansa ang kapalit. Mapalad ang 3, 18, 25, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.” Violet at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Ang proyektong binabalak ay matutupad kung ito ay may kaugnayan sa kapaskuhan. Ngayon palang ilista na ang mga gawaing mapagkakakitaan na may kaugnayan sa pasko. Sa ganyang paraan, kikita ka na, magiging happy pa ang Christmas mo. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Red at Green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Ipagpatuloy ang balak na paglalakbay. Kapag may maganda ka ng kita, mag-tabi muna ng “isang-libong-piso” buwan-buwan bago gumastos. Sa pag-ibig, may kakayanan ang limpak-limpak na salapi upang mabago ang buhay. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Blue at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Sa sariling diskarte ka uunlad! Magsimula ka ng magsikap ngayon upang yumaman. Sa pag-ibig, wag umasa sa kasuyong tatamad-tamad, ikaw ang dapat gumawa ng aksyon. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Purana-Manu-Diayana-Om.” Gray at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Wag patulan ang isang kasamahan, atribida, sisirain lang nya ang araw mo! Sa pinansyal, mag-concentrate sa ginagawa wag ng masyadong makipagdaldalan. Sa pag-ibig, sa kasuyo ikuwento ang lahat ng sama ng loob, mauunawaan ka nya. Mapalad ng 1, 11, 16, 25, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Yellow at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Panahon na upang balikan ang mga masasayang kuwento ng buhay abang namamasyal sa bukid. Kailangang mapalapit ka sa nature upang ma-recharge ang energy. Kapag naging masarap ang pakiramdam, dagdag na salapi ang kusang darating. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Green at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Huwag kang tamad, puro pagkain lang at pagpe-face book ang inaatupag mo! Kailangang magsimula ng munting negosyo na may kaugnayan din sa pagkain. Sa gawaing ganyan ka yayaman. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Me-Padme-Om.” Blue at red ang buenas
Scorpio – (October 24 – November 21) – Ang nararamdaman sakit ay lilipas din, kaya lang ang sakit ng bulsa ay mananatili. Sa financial, ngayon palang isaisip na hindi dapat ubusin ang iyong pera para sa magarbong handaan sa iyong nalalapit na kaarawan. Mapalad ang 3, 18, 24, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Fitel-Omni-Mantel.” Maroon at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Silver bells ang magandang isabit sa harap ng bahay. Sa ganyang paraan, ngayong kapaskuhan, susuwertehin ka sa salapi at sa love life. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yaksha-Raga-Kashta-Om.” Bukod sa silver mapalad din ang gold.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Wag malungkot habang hindi pa naman sumasapit ang pasko. Sa paskong darating magiging happy din ang iyong love life. Sa pinansyal, bukod sa masayang pag-ibig malaking halaga ng salapi ang darating. Mapalad ang 7, 18, 27, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Siddhi-Baguna-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Iwasan ang labis na pagtulong sa kaibigan. Sa bandang huli kung sino pa ang tinulungan mapapasama ka lang. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan – ang kasuyo mong Gemini. Mapalad ang 4, 17, 28, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salve-Om”. Blue at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Salapi ang dapat pahalagahan. Gumising ng maaga, at isulat sa malinis na notebook ang mga paraan upang madagdagan ang kita. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa minamahal ang kahalagahan ng pagiging materyoso. Mapalad ang 6, 15, 27, 42, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Varuna-Beeja-Om.” White at lilac ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.