MAY panawagan ang Food and Drug Agency of the Philippines (FDA) sa publiko.
Base sa inilabas na advisory ng ahensya, nais nilang malaman ang mga idinudulot na “side effects” ng mga gamot.
Dahil diyan, pinapayuhan nila ang lahat na kung maaari ay iulat ito kaagad sa kanila.
Baka Bet Mo: FDA: 18 na bata nakaranas ng ‘side effect’ dahil sa Sangobion Kids syrup
“If you, or a patient you are supporting, experience a side effect with a medicine, make sure to report it to us promptly,” sey ni FDA Director General Samuel Zacate.
Dagdag pa ng opisyal, ang mga makukuha nilang report ay magiging mahalaga dahil dito nakasalalay ang katiyakan na ang mga makukuhang gamot ay may minimal risks, pero ang mga benepisyo ay talagang mapapakinabangan.
“Every report is important in building more knowledge and understanding of the benefits and risks of medicines in clinical use and allows action to be taken to minimize risks,” aniya.
Ang paalala ng FDA ay kasabay ng pagdiriwang ng tinatawag na “Global Medicine Safety Week” na magsisimula sa November 6 at magtatapos sa November 13.
Kung kayo ay magre-report ng kahit anong medicinal side effects, maaari niyong bisitahin ang website na ito: https://primaryreporting.who-
Read more:
Hamon ni Kier Legaspi: Magpa-interview kaya ako para yung side ko naman ang marinig…game?