Marian 6 years nang nagbibigay- inspirasyon sa ‘Tadhana’, bilib sa mga Pinoy: ‘Kahit mahirap ang buhay, puno ng pagsubok ay hindi pa rin sumusuko’

Marian 6 years nang nagbibigay- inspirasyon sa 'Tadhana', bilib sa mga Pinoy: 'Kahit mahirap ang buhay, puno ng pagsubok ay hindi pa rin sumusuko'

Marian Rivera

ANIM na taon na ang “Tadhana”, ang award-winning drama anthology program ng GMA Public Affairs hosted by Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Sa patuloy ng pagbibigay-inspirasyon sa mga manonood, handog ng  programa ang isang three-part special episode na nagsimula na kahapon, November 4.

Pinamagatang “Secrets,” tampok sa anniversary special ang Sparkle artists na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva, kasama sina Annalyn Barro, Jelai Andres, Ella Cristofani, Ms. Jackie Lou Blanco, at Jean Garcia.

Lubos ang pagpapasalamat ni Marian sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa Tadhana.

“Yung anim na taon ng Tadhana, hindi siya magiging posible kung hindi rin dahil sa viewers na walang sawang sumusuporta sa programa,” ani Marian.

“At hindi lang manonood ang nai-inspire sa mga kuwento, ako mismo, talagang nai-inspire ako sa mga kuwento ng ating kababayan na kahit mahirap ang buhay, puno ng pagsubok, ay di sumusuko. Sana ay patuloy n’yo kaming samahan tuwing Sabado, at sabay-sabay nating pagtagumpayan ang hamon ng buhay,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Producer nagdalawang-isip kung susugal sa concert ni Gigi de Lana sa US; pangarap makatrabaho sina Regine at Piolo

“Sa loob ng anim na taon, nananatili pa rin ang mensaheng ipinaaabot ng Tadhana, na sa huli, ang kabutihan ay nakatadhanang masuklian.


“Kaya naman ipinapangako namin na mas marami pang mga kwentong malapit sa puso at kapupulutan ng aral ang ihahandag namin sa inyo,” pagbabahagi ni “Tadhana” Supervising Producer Carlo Balaquiot.

Mula 2017, ipinagdiriwang na ng “Tadhana” ang kuwento ng tagumpay ng mga Pilipino. Bukod sa mga aral, nagbibigay inpirasyon din ang bawat epsiode sa mga manonood.

Baka Bet Mo: Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin

Kaya naman hindi nakapagtataka na ang “Tadhana” ay isa sa highest rating shows tuwing weekend. Online, nananatili itong isa sa mga pinakasinusubaybayang local TV show. May 9.3 milyong followers na ang “Tadhana” sa Facebook.

Bawat episode ay pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamalaking artista sa bansa. Ngayong taon, nagwaging National Winner bilang Best Single Drama/Telemovie/Anthology Episode ang programa sa 2023 Asian Academy Creative Awards sa Singapore.

Isang kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan at pagbabalat-kayo ang tampok sa ikaanim na anibersaryo ng Tadhana na pinamagatang “Secrets.”

Bagong salta sa eskwelahan ang Senior High student na si Ayen (Lexi). Magkukrus ang landas nila ng campus heartthrob/ rockband leader na si Rave (Gil), na kinahuhumalingan ng mga kababaihan.

Agad na magkakagustuhan ang dalawa na ikakagalit ni Olivia (Analyn), ang #1 fan girl ni Rave at number one rin sa pambu-bully ng mga kaklase. Lalong gugulo ang buhay ni Ayen sa pagdating ng childhood sweetheart ni Rave na si Valerie (Ella).

Naniniwala si Valerie na sila ni Rave ang itinadhana para sa isa’t isa dahil na rin sa kasunduan ng mga magulang nila.

Isang misteryosang babae ang lilipat malapit sa bahay nina Ayen at ng kanyang ina na si Stella (Jean). Ito ay si Claris Lucas (Jelai), isang negosyante na agad na makakapalagayan ng loob ng mag-ina.

Lalong matutuwa sina Stella at Ayen kay Claris nang ipagtanggol nito si Ayen sa mga bullies. Pero ano nga ba ang koneksyon nina Claris kina Rave at Ayen? Ano ang kanyang tunay na pakay?

Huwag palampasin ang anniversary special ng “Tadhana” na “Secrets”. Mapapanood ang dalawa pang episodes nito sa November 11, at 18, 3:15 p.m. sa GMA.

Read more...