Ryan Gosling, Emily Blunt magtatambal sa bagong pelikula, dedicated sa mga stuntmen at crew

Ryan Gosling, Emily Blunt magtatambal sa bagong pelikula, dedicated sa mga stuntmen at crew

PHOTO: Courtesy Universal Pictures

MAGSASAMA sa isang pelikula ang sikat at bigating Hollywood stars na sina Ryan Gosling at Emily Blunt.

Ito ang action comedy film na pinamagatang “The Fall Guy.”

Mukhang pasabog ang pelikula dahil ang gumawa nito ay ang direktor na si David Leitch, ang nasa likod ng hit movies katulad ng “Deadpool 2” at “Atomic Blonde.”

Ang karakter ni Ryan ay bilang si “Colt” na ilang taon nang nagsisilbing stuntman para sa A-list star na si Tom Ryder na ginagampanan ni Aaron Taylor-Johnson.

Habang ang papel ni Emily ay bilang “Jody,” ang ex-girlfriend ni Colt na isa ring direktor ng ginagawang sci-fi movie.

Mapapanood sa trailer na maganda ang takbo ng karera ni Colt bilang stuntman, pero tila naging totoo ang mga maaksyon niyang eksena matapos mabalitaang nawala ang aktor na si Tom.

At para mailigtas ng stuntman ang ginagawang proyekto ng kanyang ex-girlfriend ay naatasan siyang hanapin si Tom hanggang sa natagpuan na nga niya itong patay sa isang bath tub.

Baka Bet Mo: Rufa Mae ka-join daw sa Hollywood movie na ‘Barbie’ nina Ryan Gosling at Margot Robbie: ‘Joke, joke, joke!’

Ang “The Fall Guy” ay ang film adaptation ng 80s classic action show ng kaparehong titulo.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Universal Pictures, ang “The Fall Guy” ay dedicated para sa mga stuntmen, pati na rin sa mga crew ng Hollywood na gumagawa ng magic behind the scenes upang mabigyan ng kapanapanabik na karanasan ang mga manonood.

Sumang-ayon naman diyan si Ryan at sinabing, “In most films, the actors get all the credit, but the stunt performers do all the work, and that ends today.”

Ang “The Fall Guy” ay ipapalabas sa mga lokal na sinehan sa susunod na taon.

Related Chika:

Robin Padilla namigay ng ayuda sa mga stuntmen at miyembro ng media

Read more...