MRT-3 may ‘libreng sakay’ sa mga menor de edad sa Nov. 6

Mga manggagawa may ‘libreng sakay’ sa LRT-2, MRT-3 ngayong May 1

INQUIRER file photo

GOOD news sa mga commuter, lalo na ‘yung mga sumasakay ng tren!

Sa darating na Lunes, November 6, magkakaroon ng libreng sakay ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) para sa mga menor de edad o ‘yung mga batang wala pang 18 years old.

Ayon sa National Council for the Welfare of Children (NCWC), ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month.

Ang free rides ay magsisimula ng 7 a.m. hanggang 9 a.m., at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

“‘Yung mga batang covered po nito ay ‘yung mga nasa grade school hanggang senior high school. So below 18 po talaga ‘yan,” sey ni NCWC Executive Director Angelo Tapales sa isang press briefing kamakailan lang.

Baka Bet Mo: Mga alagang hayop papayagan na sa LRT-2 simula Feb. 1

Nilinaw rin ni Tapales na hindi kabilang sa libreng sakay ang mga magulang o guardian ng mga bata na sasakay ng nasabing tren.

Bukod diyan, may nakahanda ring iba’t-ibang aktibidad at programa ang nasabing ahensya para sa mga bata, pati na rin ang kanilang mga magulang hanggang sa katapusan ng Nobyembre.

Para sa kaalaman ng marami, unang nag-umpisa ang Children’s Month sa bansang Turkey kung saan ginawa itong national holiday noong 1920.

Sumunod diyan ang Geneva, Switzerland noong 1925, at taong 1954 nang ipinatupad ang nasabing okasyon sa India at Uruguay.

Sa Pilipinas naman ay nagsimula noong 1989 matapos i-adopt ang patakaran ng mga bata mula sa United Nations.

Ang National Youth Commission (NYC.), Council for the Welfare of Children (CWC), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang inatasang gumawa ng mga aktibidad at charitable events upang matulungan ang mga batang nangangailangan.

Taong 2015 nang idineklara ng yumaong dating pangulo na si Noynoy Aquino na ang Nobyembre ang opisyal na National Children’s Month ng ating bansa sa ilalim ng Republic Act No. 10661.

Ang focus sa pagdiriwang nito ay para mabigyan ng tulong ang mga batang dumanas ng pang-aabuso, kahirapan, natural na kalamidad, at karahasan.

Related Chika:

Read more...