Rica kinuwestiyon ang pagiging Christian matapos mag-costume para sa Halloween, nakipagsagutan sa bashers: ‘Hindi ako nagkakasala…’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Rica Peralejo kasama ang buong pamilya
NAKIPAGSAGUTAN ang aktres na si Rica Peralejo sa ilang netizens na kumukuwestiyon sa kanyang pagiging Christian matapos mag-enjoy nitong nagdaang Holloween.
Nag-share kasi si Rica ng ilang litrato sa Instagram na kuha sa naganap na Holloween party at “trick or treat” sa kanilang village nitong nagdaang Tuesday, October 31.
Makikita sa mga photos ang pamilya ng dating Kapamilya actress at TV host na naka-costume kasama ang kanilang mga kaibigan at kapitbahay na nag-join din sa party.
Aniya sa caption, “Last minute Halloween. We were not supposed to for so many reasons but wow thanks to our friends who made it happen now our kids have the funn(i)est costume party and trick or treat experience.
“Pati nanay at tatay sobrang saya kasi may TAHO sa neighborhood as TREAT — LEVEL UP GRABE nagkaidea ako,” sey ng celebrity mom.
Pagpapatuloy pa niya, “Next year ang ipapamigay ko ay beer. too much kwento about this Halloween. Tsaka na. For now, claps nalang for our costumes na unrelated pero color blocking. Pakihulaan nyo nalang sino sino kami. #thebonis.
“PS: nanalo ng top four best costume si Philip. Well deserved!!! Pero need ko ng komisyon kasi ako ang napuyat. BUT FACEBOOK MARKET IS THE REAL MVP. Story another time,” mensahe pa ni Rica.
Sa comments section marami ang natuwa at naaliw sa costumes ng pamilya ni Rica pati na rin sa pagsali nila sa village party para sa Holloween this year.
Ngunit may mga IG users na kumuwestiyon sa pananampalataya at pagiging Kristiyano nina Rica dahil ang paniwala nila ay makademonyo ang pagsali sa mga Holloween events.
Sabi ng netizens na may handle name na @me_james7, “Haaaysss. grabe naman. as a Pastor you should be the first in line in discouraging these kinds of things na wag makipag participate mga tao. to enlighten them what really is about Halloween.
“Kahit pa ung intention mo is just for fun lang, dapat ang unang inisip mo is ma-go-glorify ko ba si God if gagawin namin ito? Always remember that, all the things we do should glorify God!” aniya pa.
Sagot naman sa kanya ni Rica, “@me_james7 says who?”
Panggagatong naman ng isa pang netizen, “Basahin mo yang reply niya sa’yo. SAYS WHO DAW. nakakatawa na sinasabi niyang Christian siya tapos kung makasagot ganyan. anong klaseng KRISTYANO to? The ‘SOMETIMES CHRISTIAN’ sometimes kristyano, sometimes hindi, wahahahahhahaha!!! Ano kaya sasabihin nila sa pulpito, GUYS HA IT’s OK DOR US CHRISTIANS TO PARTICIPATE SA HALLOWEEN AS LONG NA MAGANDA ANG RELASYON NATIN KAY JESUS CHRIST! this is soooo hilarious bro.”
Ang bwelta naman ni Rica sa kanya, “@cleverlyph and this is so arrogant. ikaw na pala ang kanang kamay ni Lord picking who is who ano (emoji).”
Komento ng isa pa, “@ricaperalejo you are a BIG BIG turn off. Kung ayaw mong aminin na nagkasala, at least be GENTLE when u answer. Is that the fruit of the spirit. Haaay kaka sad talaga ikaw.”
Ito naman ang resbak sa kanya ng aktres, “@royal_dawn0 hindi ako nagkakasala, ikaw ang naglalagay nyang judgment na yan hindi si Lord. I am merely speaking the truth. If you are so turned off wala na akong magagawa but you also are not my standard or judge. The Lord is. And if that for you is nit an acceptable answer, then you also should check your heart.”
Pagpapatuloy pa ni Rica, “I think nahihirapan kayo tanggapin na hindi talaga ako naniniwala sa inyo. It’s ok kasi u think that way but you cannot make me sorry for what is not a sin for me.
“That’s just the truth of it all and you think i’m not being gentle for disagreeing and calling out the truth — pero pag kayo pwede. omg nakakaloks!” ang punto pa ng aktres.
Hirit naman ng isa pang IG user about the issue, “@ricaperalejo yes you did. To summarize, fake Christians are those who have chosen a saved appearance rather than a saved heart.
“They care more about their status through the eyes of the church, their family, or a Christian industry rather than their status through the eyes of God. Wasted ang pag follow ko sa u at sa mga napanood ko na mga vlogs prang it was all fake. Goodbye Ms.@ricaperalejo,” sabi pa nito.
Tugon ni Rica, “@royal_dawn0 nope I did not, and goodbye. Check mo kasi baka ikaw na ang nagkakasala nagatakot ako for you.”