Pokwang nakipagsagutan uli sa mga anti-Leni: 'Mag-research po kayo please...now tell me why BBM?' | Bandera

Pokwang nakipagsagutan uli sa mga anti-Leni: ‘Mag-research po kayo please…now tell me why BBM?’

Ervin Santiago - April 30, 2022 - 11:33 AM

Vice Ganda at Pokwang

MULING nakipagsagutan ang Kapuso comedienne na si Pokwang sa mga bashers na kumukuwestiyon sa tunay niyang motibo at ng iba pang Kakampinks sa pagsuporta sa kandidatura ni Leni Robredo.

Tulad ng Kapamilya TV host at komedyante na si Vice Ganda, hindi rin pinalampas ni Pokwang ang  paratang ng mga anti-Leni na iboboto lang daw niya ang bise-presidente sa pagkapangulo para maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.

Nag-post kasi ang komedyana sa kanyang Instagram account ng isa niyang TikTok dance video noong April 22 kung saan sinabayan niya ang recorded dance performance ni Gab Pangilinan sa campaign rally ni VP Leni.

Pang-ookray ng isang netizen kay Pokwang, mas pinili lang daw nito si Leni “para balik ABSCBN.” Dagdag pa nito, ayaw din niyang manalong presidente si VP Leni.

Bwelta naman Pokwang, “Wala na po ako sa abs cbn at happy na po ako sa GMA.”

“Kung prangkisa po ang habol namin edi sana doon kami sa maaaring magbalik ng prangkisa diba yung mga kakampi ng nagpatanggal,” dagdag pa ni Pokey.

Tila ang tinutukoy ni Pokwang sa kanyang pahayag ay ang kalaban ni VP Leni na si Ferdinand “Bongbong Marcos, Jr. at ang running mate nitong si Mayor Sara Duterte.

May isa pang post na sinagot si Pokwang tungkol sa paglipat niya sa GMA na kumukuwestiyon sa kanyang loyalty, “Ask them why did I left (sic) the network? Go ahead ask them!!!!”

Ito naman ang sagot din ni Pokey sa mga netizens na nagtatanong at kumokontra sa pag-eendorso niya  sa kandidatura ni VP Leni.

“Dahil siya ay maraming nagawa at gagawin pa para sa bayan at mahal ko kinabukasan ng anak ko.

“Kaya wag kang mag sorry kasi maganda ang napili ko para sa mga anak at magiging apo ko,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Dagdag pa ng komedyana, “Walang bahid ng korapsyon, nabigyan ng pinaka mataas na pagkilala sa COA (Commission on Audit) ang office of the vice president dahil sa malinis na record nito,

“Mag research po kayo wag sa tiktok at fb magbasa po kayo please now tell me why BBM?” matapang pa niyang pahayag.

Kamakailan lang ay nagsalita rin si Vice tungkol sa paratang ng mga bashers sa mga Kapamilya stars na nagtatanggol kay VP Leni na iisa lang daw ang kanilang motibo at yan ay para nga maibalik na ang ABS-CBN franchise.

Sey pa ni Vice sa mga “shunga-shungahan na troll,” wala raw raw  hinahabol na prangkisa ang kanilang TV network dahil ibinigay na ito sa ibang kumpanya na ang tinutukoy nga ay ang istasyon ng pamilya ni dating Sen. Manny Villar.

https://bandera.inquirer.net/310339/pokwang-nawindang-sa-mga-madaling-makalimot-bilib-sa-mga-taong-pinapahalagahan-ang-boto

https://bandera.inquirer.net/310230/pokwang-sa-bashers-ilatag-nyo-na-lang-ang-plataporma-ng-iyong-kandidato-kesa-manlait

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/291472/pokwang-tinulungan-ni-kris-noong-mawalan-ng-trabaho-sa-abs-cbn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending