Ate Vi feeling super lucky kay Baby Peanut: '9 months pa lang ang apo ko pero nakikita ko na ang pagiging artista niya' | Bandera

Ate Vi feeling super lucky kay Baby Peanut: ‘9 months pa lang ang apo ko pero nakikita ko na ang pagiging artista niya’

Ervin Santiago - November 01, 2023 - 07:19 AM

Ate Vi feeling super lucky kay Baby Peanut: '9 months pa lang ang apo ko pero nakikita ko na ang pagiging artista niya'

Vilma Santos, Luis Manzano at Baby Peanut

FEEL na feel ng Star for All Seasons na si Vilma Santos na magiging bahagi rin ng mundo ng showbiz ang cute na cute niyang apo na si Baby Peanut.

In fairness, isa talaga sa mga celebrity babies ngayon na nagpapasabog ng bonggang-bonggang good vibes sa social media ay ang anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

At halos lahat ay nagkakaisa sa pagsasabing kamukhang-kamukha ni Ate Vi ang kanyang unang apo kay Luis. Kaya naman ang paniniwala ng movie icon, napakalaki ng posibilidad na maging artista din ang kanyang apo.

“Ang suwerte ko, maarte yung bata. Ewan ko kung napapanood n’yo. Marunong sa camera, e! Kapag merong kamera, umaarte, e. She’s also left-handed, she’s also curly, nangingilala na,” excited na kuwento ni Ate Vi sa presscon ng kanyang Metro Manila Film Festival 2023 entry na “When I Met You In Tokyo” kasama si Christopher de Leon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang biro naman ng press sa kanya, baka raw maging stage lola siya kay Baby Peanut kapag nag-artista na rin ito, “Stage lola? No, I don’t think so, basta maarte siya at basta naarte siya, ako ang nag-e-enjoy.

Baka Bet Mo: Vilma ‘heaven’ ang feeling bilang lola, Baby Peanut may future agad sa showbiz: ‘Maarte siya, sa posing niya you can tell, artista ‘to!’

“Minsan pagkagising ko, papanoorin ko siya, nakaka-enjoy lalo na kapag tumatawa siya. Natatanggal ang pagod ko, napa-positive yung araw ko talaga,” nakatawang chika pa ng mommy ni Luis.

Pagbabahagi pa niya, bukod sa nadadalaw niya madalas ang apo ay may mga pagkakataon din na nakakasama niya nang halos buong araw sa bahay nila si Baby Peanut.

“There was a time she stayed the whole day sa house. Hinatid sa umaga, sa gabi na kinuha, kasi pareho na may trabaho ang tatay at nanay, so si Momshie ang nag-alaga.

“Tapos, mag-e-exercise na ako, nakapang-exercise na ako, di ako nakapag-exercise,” sey pa ni Ate Vi.

Dugtong pa niya, “Bukod sa akin, definitely I’m happy for my son Lucky and Jessie. Noong una, if you noticed, di ako pumapapel, kasi gusto ko ma-enjoy muna ng parents.

“Ngayon na lang, kasi medyo ilang months na, malaki-laki na, magwa-one year old na. May family bonding kami tuwing Sunday,” lahad pa ng veteran actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


Samantala, hindi raw nagdalawang-isip si Ate Vi na tanggapin ang “When I Met You In Tokyo”, “Isa lang naman ang tinanong ko, e, ‘Ano ang istorya?’

Baka Bet Mo: Jessy Mendiola nais nang bumalik sa showbiz, Baby Peanut mag-aartista na rin ba?

“When I found out na love story and si Yetbo (Boyet, Christopher) ang leading man, I said yes right away. It’s a plus na lang that they wanted to shoot it in Japan.

“Saka na lang natin tinanong kung sino ba ang ang direktor. Nung malaman ko nga yung istorya plus Christopher, tinanggap ko na,” pagbabahagi ni Vilma.

“We’re very, very happy. It’s a very simple but beautiful love story. Yung mga eksenang kinunan, yun ang naging problema. Yung mga eksenang kinunan naming, napakarami.

“Nu’ng na-edit na, lumabas two hours and twenty minutes, tapos kailangang gawing two hours, nakakalungkot na ang daming tatanggalin. Pag nagtanggal ka, may mga scenes na magsa-suffer. Doon ako nalulungkot.

“Sabi ko, sana ma-edit nang tama kasi minsan ang ganda ng eksena. But I think nagawan nila ng paraan na hindi na nag-suffer ang mga magagandang scenes,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa movie sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Kakai Bautista at Gabby Eigenmann. Showing na ito sa December 25 bilang bahagi ng 2023 MMFF.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending