Boy Abunda emosyonal nang ibigay ni Nanette Medved ang bandera ng Pilipinas mula sa Laguna at naka-frame na litrato nilang mag-ina

Boy Abunda emosyonal nang ibigay ni Nanette Medved ang bandera ng Pilipinas mula sa Laguna at naka-frame ng litrato nilang mag-ina

Nanette Medved at Boy Abunda

SINORPRESA ng dating aktres at philanthropist na si Nanette Medved ang King of Talk na si Boy Abunda sa isang episode ng “Fast Talk.”

Talagang pinaghandaan ni Nanette (na isa sa pinaka-favorite naming Darna) ang kanyang bonggang “gift” para sa kaibigan niyang TV host at talent manager.

Hindi talaga napigilan ni Tito Boy na maging emosyonal nang ibigay ng former actress ang bitbit niyang regalo na nagmula pa sa Laguna.

Isa si Nanette sa mga celebrities na personal na bumisita sa award-winning TV host para sa kanyang week-long birthday celebration sa “Fast Talk with Boy Abunda” last week.

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Nanette ay ang Chairwoman ng HOPE, isang organisasyon na tumutulong na makapagpatayo ng mga classroom sa mga public schools at maging sa mga nangangailangang magsasaka.


At noong panahong nagsisimula pa lamang ang HOPE, isa si Tito Boy sa mga taong nagbigay ng full support kay Nanette at sa kanyang team.

Isang classroom sa isang public school sa Laguna ang ipinatayo ng TV host noon kasabay ng pagbibigay niya sa paaralan ng bandera ng Pilipinas para magamit ng mga estudyante.

Baka Bet Mo: Nanette Medved hinding-hindi makakalimutan si FPJ: ‘I feel really bad that we’ve lost him, but he is incredible’

“When we were there, you gave them a Philippine flag that they could hoist above the school because wala naman ata sila at that time na flag for the classroom,” ang pahayag ni Nanette kay Tito Boy.

Walang kamalay-malay ang TV host na dala-dala ni Nanette ang nasabing Philippine flag upang ibalik sa kanya bilang pasasalamat.

“I just want to let you know that this morning our team was actually at your school, at your classroom, and the very flag that you gave them 10 years ago they would like to give back to you.

“They would like to return it to you as a thank you for 10 years,” ang sabi pa ni Nanette.

Kasunod nito, hindi na napigilan ni Tito Boy ang maging emosyonal at tuluyang mapaiyak.


Pagpapatuloy na kuwento ni Nanette, “I remember on that day, Boy was really emotional because he said, ‘I get many gifts in my life but none is more meaningful than a Philippine flag. Because you are, if nothing, a patriot Boy.”

Sabi naman ni Tito Boy, mula pa noon ay talagang malapit na sa puso niya ang mga estudyante at classroom dahil isang public school teacher ang kanyang ina noon.

Baka Bet Mo: Lolit Solis super touched sa ginawa ni Nanette Medved: ‘Sa lahat ng alaga ko siya pa naman ang hindi ko masyadong naasikaso’

“Ganu’n ako kaemosyonal dahil kapag classroom na ang pinag-uusapan, and being able to share what you’re doing, is actually providing hope, providing classrooms for kids means so much to me in a very very personal way,” pagbabahagi pa ng host ng “Fast Talk.”

Aside from the Philippine flag, bitbit din ni Nanette ang isang picture frame kung saan nakalagay ang litrato ni Tito Boy kasama ang kanyang pinakamamahal na ina.

Sa huli nagbahagi rin si Nanette ng mensahe para sa lahat ng Pinoy na may kaugnayan sa pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa.

“Every day you make a choice and I think if you can just do one good thing, the world would be so much better for it,” sabi pa ni Nanette.

Read more...