Kakai Bautista umiyak nang bonggang-bongga dahil natandaan nina Nora at Vilma ang kanyang pangalan: ‘OMG! Achievement yun!’

Kakai Bautista umiyak nang bonggang-bongga dahil natandaan nina Nora at Vilma ang kanyang pangalan: 'OMG! Achievement yun!'

Kakai Bautista, Vilma Santos at Nora Aunor

PAREHONG iniyakan ng komedyanteng si Kakai Bautista nang tawagin siya sa kanyang pangalan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos at ng Superstar na si Nora Aunor.

Para kay Kakai, napakalaking achievement na para sa kanya ang maalala ng mga big stars na nakakatrabaho niya dahil hindi naman daw lahat ay nababanggit ang kanyang name.

Sa ikalawang pagkakataon ay nakatrabaho uli ng komedyana si Ate Vi, at yan ay sa 2023 Metro Manila Film Festival 2023 entry na “When I Met You In Tokyo” kasama si Christopher de Leon.

Unang nakasama ni Kakai ang movie icon sa pelikulang “In My Life” noong 2009 na pinagbidahan nina Ate Vi, Luis Manzano at John Lloyd Cruz. Sey ni Kakai, talagang hindi raw niya maiwasan ang magpaka-fan girl kay Vilma.


“Alam n’yo, kapag nakatrabaho n’yo si Ate Vi, kahit hindi siya visible sa television or film or sa showbusiness, nagulat ako.

“Kasi kilala niya ako by first name, ‘Kakai’. Ako yung parang nahiya. Ako yung parang, ‘Halaaaa! Hindi ako makatulog!'” pag-amin ng aktres sa presscon ng “When I Met You In Tokyo.”

Baka Bet Mo: Bwelta ni Kakai Bautista kay Rendon Labador: ‘Mukha talaga akong pera dahil ang daming umaasa sa ‘kin’

“Isang eksena lang ako sa In My Life, pero hindi ako nakatulog. Maliit naman yung role ko du’n, mabilis lang, yun talaga, isa sa mga pinag-pray ko na makatrabaho ko siya uli,” aniya pa.

Pagbabahagi pa niya sa naging karanasan niya sa shooting ng kanilang MMFF entry sa Japan, “Oh my god! Nakakatuwa kasi you have to see the bloopers sa movie na ito lalo na po sa Tokyo. Sobrang grabe po yung mga bloopers namin du’n.

“Maaaliw talaga kayo. Hindi ko ine-expect na ganu’n kami magiging ganun kasaya sa shoot. And siyempre, ikaw, mahihiya ka kasi, Ate Vi!

“Pero siya mismo, hindi niya ipapa-feel sa iyo na you’re different and you’re other. Hindi ka others. Part ka. ‘Kilala kita!’ At alam mo yun, para matawag ka niya by your first name. Parang, huhuhuhuhu, gusto kong umiyak!

“Gusto kong umiyak kasi yung iba nga, hindi ka kilala, di ba? Yung iba, parang, ‘Ah, okay.’ Parang ganu’n. Pero Vilma Santos… oh, my god!” ang hindi pa rin makapaniwalang chika ni Kakai.


Sa tanong naman kung okay lang sa kanya na hindi na kilalanin ng ibang celebrities dahil kilala naman siya ni Vilma Santos, “Hindi okay sa akin yun, e.

“Ako kasi, parang kapag nakakatrabaho ko yung mga senior actors natin, at saka yung talagang premyado, for them to recognize you and know your name and just say hello to you, even sina Ate Guy (Nora Aunor), sina Ms. Maricel (Soriano), oh my god!

Baka Bet Mo: Kakai Bautista: ‘Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin

“Kausapin ka lang, ay achievement! Oh my god! Tingnan ka nga lang,” paliwanag ng komedyana.

“Nu’ng dati, nakasalubong ko si Tita Gloria Romero, diyos ko, gusto kong maglulupasay, kasi, nag-hi siya sa akin. Ganu’n mo pinapahalagahan yung trabaho mo. Ganu’n mo papahalagahan yung mga artistang nag-hone ng industry na ito.

“Di ba, sila yung nag-build. Sila yung mga building blocks ng industriyang ito. We will not be here, lahat tayo, kung wala silang ginawang magagaling na pelikula, di ba, and kung hindi nila ginalingan,” aniya pa.

At sa pagkakatanda nga ng National Artist na si Ate Guy sa pangalan niya, “Ay, naku! Umiyak ako! Parang Ate Vi, umiyak ako.”

Read more...