Nanette Medved hinding-hindi makakalimutan si FPJ: ‘I feel really bad that we’ve lost him, but he is incredible’

Nanette Medved hinding-hindi makakalimutan si FPJ: 'I feel really bad that we’ve lost him, but he is incredible'

Fernando Poe, Jr. at Nanette Medved

KUNG may isang artista sa Pilipinas na hinding-hindi talaga makakalimutan ng aktres at philanthropist na si Nanette Medved-Po, yan ay walang iba kundi ang Action King na si Fernando Poe, Jr..

Ibinandera ni Nanette sa buong universe ang kanyang matinding paghanga sa namayapang Hari Ng Aksyon na ilang beses din niyang nakasama sa pelikula.

Inalala ni Nanette ang ilang mahahalagang kaganapan sa kanyang showbiz career sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday, kabilang na nga riyan ang pagtatambal nila ng King of Philippine Movies sa pelikula.

Tandang-tanda pa raw niya ang mga eksena nila ni FPJ sa blockbuster movie nilang “Dito sa Pitong Gatang.”

“I subsequently did two more movies with him, but I loved my time, any time I’m spending with FPJ is just golden. I love the man.


“He was a complete gentleman, larger than life personality, just really amazing,” ang sabi pa ni Nanette tungkol sa namayapang aktor.

Baka Bet Mo: Nanette Medved mas naging maingat sa pananamit, pagsasalita at pagkilos sa harap ng publiko nang dahil kay Darna

Chika pa ni Nanette, bumalik daw siya sa Pilipinas mula sa Hong Kong para  gumawa lang ng pelikula kasama uli si FPJ na pumanaw noong 2004 matapos ma-stroke.

“I came back and said, ‘Ronnie, I’ll only come back for you,’ and I did because he is just such an amazing man.

“I feel really bad that we’ve lost him, but he is incredible,” sey pa ng aktres na sumikat pa nang husto nang gumanap siya bilang Darna sa movie version nito noong 1991.

Nang iwan ni Nanette ang showbiz, naging negosyante siya at noong 2011, itinatag niya Friends of HOPE, Inc., isang non-profit organization para sa education, agricultural initiatives, at carbon sequestration sa Pilipinas.

Ang proceeds mula sa Generation HOPE ay ginagamit sa pagpapatayo ng mga classrooms sa public school dito sa Pilipinas.

Read more...