‘Friends’ actor Matthew Perry pumanaw na sa edad 54

‘Friends’ actor Matthew Perry pumanaw na sa edad 54

PHOTO: Facebook/Matthew Perry

NATAGPUANG patay sa kanyang bahay sa Los Angeles ang American-Canadian actor and comedian na si Matthew Perry.

Siya ay nasa edad 54.

Kwento ng mga awtoridad na ibinalita ng US media na Los Angeles Times, nakita ang aktor na walang malay habang nasa hot tub at hindi na ito nakayanan pang i-revive ng mga first responders.

Ayon pa sa mga ulat, walang signs o palatandaan na nagkaroon ng “foul play.”

Baka Bet Mo: Celeste Cortesi ‘nilaro’ ng dyowang si Matthew Custodio, tinawag na ‘Miss El Tocuyo’

Si Perry ay ilang taon nang nakikipaglaban sa kanyang addiction sa painkiller at alkohol.

Siya rin ay ilang beses nang pumasok sa rehabilitation clinics dahil dito.

Kung matatandaan noong 2021 habang ipinagdiriwang ang reunion special ng “Friends,” inamin ng batikang aktor na nakaranas siya ng “severe anxiety” every night noong mga panahon na nagte-taping sila ng show.

Ayon naman sa report ng TMZ, walang nakitang droga sa pinangyarihan ng kanyang pagpanaw noong October 28.

Para sa mga hindi masyadong aware, isa si Perry sa mga bida ng smash hit television sitcom na “Friends.”

Siya ang gumanap sa papel bilang si “Chandler Bing” sa nasabing popular series na tumagal ng ten seasons mula 1994 hanggang 2004.

Related Chika:

Read more...