Ruru niyakap ni Coco nang magkita sa event: Sabi niya, ‘Napanood ko ‘yung Lolong, sobrang husay mo, pagbutihin mo ‘yan!’

Ruru niyakap ni Coco nang magkita sa event: Sabi niya, 'Napanood ko ‘yung Lolong, sobrang husay mo, pagbutihin mo ‘yan!'

Coco Martin at Ruru Madrid

NAGYAKAPAN ang Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid at Kapamilya Teleserye King Coco Martin nang magkita sa isang event kamakailan.

Nabigyan ng chance ang dalawang aktor na magkita at makapag-usap kahit sandali sa pa-dinner ni Se. Robin Padilla para pag-usapan ang ipinaglalaban nilang Eddie Garcia Bill.

“Nagkita po kami du’n sa same event kung saan din po kami nagkita ni tatay Ipe (Phillip Salvador), ni Sen. Robin, eh, saktong nandoon po si sir Coco.

“Nilapitan ko po siya para magpakilala ako dahil sobrang taas po ng respeto ko sa kanya, sobrang taas po ng paghanga ko sa kanya,” simulang kuwento ni Ruru sa grand mediacon ng “Black Rider” nitong Biyernes, October 27.

“Nu’ng nilapitan ko po siya, nakaupo pa siya, sabi ko, ‘Sir Coco magandang gabi po!’ Tapos bigla siyang tumingin sa akin, tapos tumayo, tapos niyakap niya ako nang mahigpit. As in mahigpit na mahigpit, sabi ko, ‘Sir Coco, malaking karangalan pong makilala kita!’” sabi pa ni Ruru.

Baka Bet Mo: Angel Aquino, Iya Villania, Chesca Garcia sobrang na-miss ang isa’t isa, muling nagkita-kita makalipas ang 1 dekada

Nagkatapat noon ang mga serye nilang “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Lolong” kaya naintriga rin sila noon.

“Sabi niya, ‘Hindi! Ako ang dapat magsabi nu’n! (karangalang makilala siya).’ Lagi kitang pinapanood, ang galing-galing mo. Napanood ko ‘yung ‘Lolong.’’ Sabi niya, ‘Sobrang husay mo, pagbutihin mo lang yan,’” sey pa ng “Black Rider” star.


Pinayuhan din siya ni Coco na ipagpatuloy lamang ang kanyang ginagawa, “‘Pinaghahandaan ka na namin.’ Tapos tumawa siya. Niyakap po niya ulit ako, ang sabi niya sa akin, ‘Pagbutihin mo ‘yang ginagawa mo, nakikita ko ‘yung pagiging makatao mo. Ipagpatuloy mo.’ Sobrang naa-appreciate ko.”

Pagpapatuloy pa ng Kapuso star, “Sobrang iniidolo ko siya kasi nga nakikita ko ‘yung pagmamahal din niya sa trabaho.

Baka Bet Mo: Sunshine bilib sa pagiging kuya ni Diego sa 3 anak: Pag may manliligaw dudurugin daw niya yung mukha, pero joke lang yun!

“Hindi po biro ang ginagawa niya na mag-direk, hindi biro na habang nagdi-direk siya, siya rin ang artista, may fight scenes. So ang taas po ng respeto ko sa kaniya,” sabi ng binata.

“Kaya for me ‘yung competition, of course nandiyan ‘yan, hindi mawawala ‘yan. Pero mas naka-focus ako na makapagbigay ng magandang programa para sa mga manonood,” aniya pa.

Ka-join din sa “Black Rider” sina Kylie Padilla, Yassi Pressman, Matteo Guidicelli, Jon Lucas, Rainier Castillo, Katrina Halili, Zoren Legaspi, Gladys Reyes, Empoy, Jayson Gainza at Janus del Prado.

Present din sa naganap na presscon
ang mga action stars na sina Roi Vinzon, Monsour Del Rosario, Raymart Santiago, at Gary Estrada.

Magsisimula na ang “Black Rider” sa November 6 sa GMA Telebabad. Ito’y mula sa direksyon nina Rommel Penesa at Richard Arellano.

Read more...