HALOS isang linggo ipatutupad ang “liquor ban” sa Maynila.
Ayon sa anunsyo ng local government, magsisimula ito bago ang Barangay and Sangguniang Kabataang elections (BSKE) sa October 29, hanggang sa All Souls’ Day sa November 2.
Base sa executive order na inilabas ni Manila Mayor Honey Lacuña, ang idineklarang ban ay upang mabigyan ng konsiderasyon ang mga nagluluksa o inaalala ang mga yumaong mahal sa buhay ngayong undas.
“It is necessary to prohibit the sale of liquor and other alcoholic beverages in Manila City taking into consideration the somberness of these occasions and in light of the opening of city cemeteries to the general public, not just to Manileños,” saad sa memorandum.
Baka Bet Mo: Mga mall sa Metro Manila may bagong ‘operating hours’ simula Nov. 13
Dagdag pa ni Lacuña, “I […] hereby order a ban on the sale and consumption of all alcoholic beverages in Manila City from 29 October 2023 up to 02 November 2023.”
Samantala, naglabas na ng guidelines ang Manila North Cemetery para sa darating na undas.
Ayon sa Facebook post ng sementryo, bukas ang lugar mula 5:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. ng October 30 to November 2.
Ang pagbuburol at cremations ay suspendido simula October 28 hanggang November 2.
Bukod diyan, pinaalalahanan din ng pamunuan ang mga sumusunod na bagay na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo simula October 28 hanggang November 2:
- Alcoholic beverages
- Flammable materials
- Firearms and sharp objects (knives, cutters)
- Videoke, or other devices that cause loud sounds
- Playing cards, bingo cards, or other gambling paraphernalia
Nag-anunsyo na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang “expanded number scheme” sa mga non-working holidays nitong October 30, at November 1 at 2.
Read more:
Karagdagang kontribusyon sa Pag-IBIG Fund hindi itutuloy ngayong 2023