MATAPOS mag-trending ang debut track na “LDR,” naglabas ng bagong hugot song ang Cebuano singer-songwriter na si Shoti.
Pinamagatan itong “waiting for u (delulu)” nanagsisilbing komentaryo niya para sa mga relasyong walang label.
Sa isang pahayag na inilabas ng Sony Music, chinika ng breakout star na idinaan niya sa bagong kanta ang kanyang naging obserbasyon pagdating sa Gen Z romance.
“They share a deep connection and spend a lot of time together, yet they haven’t established official boyfriend-girlfriend status,” saad ni Shoti.
Kwento pa niya, “In today’s generation, I’ve observed that many people, particularly from Gen Z, tend to have unrealistic expectations about relationships that may not align with reality. They yearn for a type of relationship that may not actually exist.”
Baka Bet Mo: Payo ni Xian Gaza sa Gen Z: ‘Huwag ka muna magjowa at magpakabaliw sa lovelife, focus ka muna sa paggawa ng pera!’
At para maging espesyal ang bagong track, isinulat ito ni Shoti sa salitang Ingles at Cebuano.
“I compose songs spontaneously, and the Cebuano elements in my music flow naturally. I cherish its uniqueness, setting my songs apart,” wika niya.
Pagbubunyag pa niya, “In the future, I plan to incorporate Filipino/Tagalog to enrich my musical expressions further.”
Naikuwento din ng singer na siya na rin mismo ang nag-produce ng kanta habang siya ay nasa kanyang kwarto lamang.
Tumulong din daw sa kanya ang kanyang ina at mga kaibigan.
“I’ve always enjoyed the process of creating, writing, and recording my own songs at my own pace and space,” sey ng Cebu-based artist.
Dagdag pa niya, “I take the artform seriously, and I take pride in the fact that it comes from a place of vulnerability and rawness.”
Kamakailan lang, tumabo sa ilang streaming charts sa Southeast Asia ang kanyang viral smash na “LDR.”
Ang sped-up version nito ay nag-trending sa mga bansang Singapore, Thailand, at Malaysia na nakapasok sa top 49, 61 at 147, respectively.
Related Chika:
Arjo Atayde pinakasalan daw ang ‘clone’ ni Maine Mendoza, ‘delulu’ fans ng AlDub ayaw tumigil