MUKHANG may hatid na pasabog ang muling pagkikita ng Queen of All Media na si Kris Aquino at ng kanyang matalik na kaibigang at King of Talk na si Boy Abunda.
Ngayong araw, October 27, ibinahagi ni Tetay ang mga larawan nila ni Boy nang bisitahin siya nito sa kanyang tinitirhan sa Amerika.
Kuwento ni Kris, “ABANGAN! Seriously it was a heartwarming reunion. Boy freaked because i needed a shot while he was here. And he really hates needles.”
Aniya, ikinuwento niya sa kaibigan ang mga pinagdaraanang treatments pati na rin ang kanyang pag-take ng 18 pieces of vitamins, supplements, pati na rin ang kanyang pag-inom ng gamot para maiwasan ang kanyang migraines, anti-histamines, at proteksyon sa kanyang liver dahil sa pagsailalim sa chemotherapy.
Pagpapatuloy ni Kris, “Parang the whole 3 hours boy was here he was stopping himself from crying pero bumigay din sya talaga.”
Mukhang isang interview ang naganap sa pagitan ng dalawa at maraming kuwento ukol sa journey ng Queen of All Media at sa kanilang pagkakaibigan ang masusubaybayan natin sa paglabas nito marahil sa YouTube channel o sa mismong Kapuso show ni Boy na “Fast Talk with Boy Abunda”.
Baka Bet Mo: Kris Aquino dinalaw ni Kim Chiu, nakipagbati na kay Mark Leviste sa tulong ni Bimby
Chika pa ni Kris, Boy never asked for anything pero sa laki ng utang na loob namin sa kanya, (the entire time he managed me for my endorsements as long as it was with my sons his commission was only from my 50%, buong buo for my 2 yung talent fee- lugi nga ako kasi yung 32-35% na tax sagot ko, bilin yun ng mom) binigay ko ng buong buo yung medyo naputol ng ilang beses na footage.”
Lahad pa niya, impromptu lang ang nangyaring interview dahil ang kanilang nagsilbing cameraman ay si Vice Governor Mark Leviste habang ang nagtatanong naman sa kanila ay ang bunso niyang si Bimb.
Dagdag pa ni Kris, “Hindi namin pwedeng pagalitan dahil hindi naman sya DOP.”
Humingi naman siya ng tawad kay Jessica Soho na kasalukuyan ring nasa Amerika na nagtanong sa kanya kung pwede ba siyang ma-interview.
Nagpapasalamat rin si Kris sa mga Batangueño sa pagpapahiram ng kanilang vice governor sa kanya at sinabing babalik na rin ito sa Pilipinas sa mga susunod na araw ngunit sa Pasko raw ay muli silang magkakasama together with his 3 kids.
Advance naman ang naging greeting niya sa kanyang matalik na kaibigan na nakatakdang mag-birthday sa Linggo, October 29.
“Happy Birthday (Oct 29) to the keeper of all my secrets, the one who assured me that come what may he’ll be there for my sons, and the friend who until now fights my battles with me. To my other brother, i love you completely,” sey ni Kris.
Related Chika:
Kris unti-unti nang bumubuti ang kalusugan, hindi na sobrang payat; Mark Leviste naglabas ng ‘ebidensiya’