Bimby ipagpapatuloy na ang showbiz career, si Boy Abunda ang magiging guardian habang wala si Kris
IPAGPAPATULOY na kaya ni Bimby Aquino Yap ang pag-aartista pati na ang pagiging host tulad ng kanyang mama na si Kris Aquino?
Nakita namin ang post sa social media ng Cornerstone Entertainment kung saan magkakasama sa larawan ang President at CEO ng nasabing talent agency na si Erickson Raymundo, ang Vice President nitong si Jeff Vadillo, si Bimb at ang ninong niyang si Boy Abunda plus si Tin Calawod na handler ni Kris.
At dahil ninong ni Bimb si Boy ay ito ang tumatayong guardian niya habang wala si Kris sa bansa dahil nagpapagaling pa rin ito hanggang ngayon sa Amerika.
View this post on Instagram
Ang nakasaad sa caption ng nakita naming litrato, “The Cornerstone fam with Bimb. Exciting days are truly ahead for the young star! Mr. Boy Abunda stood in as a guardian for Bimb while Kris is still away. #BimbyAquino #CornerstoneArtist.”
Feeling namin sa hosting isasalang ang bunsong anak ni Kris bukod pa sa paggawa nito ng mga TV at online commercials.
Baka Bet Mo: Kris kay Duterte: Never ko siyang binanatan, kaya sa mga DDS, walang reason na maging magkaaway tayo
Nakagawa na ng tatlong pelikula si Bimby noong bata pa siya, ang “The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), “My Little Bossings” (2013) at “All You Need Is Pag-ibig” (2015).
View this post on Instagram
Matatandaang pinayagan nang umuwi ni Kris ang bunsong anak para maging normal ang buhay niya rito sa Manila habang nag-aaral.
At higit sa lahat pumayag na rin ang TV host-actress na makausap ni Bimb ang amang si San Juan City Councilor James Yap.
Anyway, nagpadala kami ng mensahe kay Erickson para alamin kung papasukin na ni Bimby ang industriyang kinalakhan niya pero hindi pa kami sinasagot hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.