MAY tsansang manalo ang ating pambato sa Miss Universe pageant na si Michelle Dee.
‘Yan ang sinabi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos tanungin ng ilang miyembro ng entertainment press sa isang event.
Pinuri pa nga ni Pia si Michelle at isa-isang inihayag ang “queenly traits” nito.
Sinabi rin ng dating beauty queen na bukod sa alam ni Michelle ang mga diskarte na dapat gawin sa global tilt ay may matatag na paniniwala rin daw ito pagdating sa kanyang “vision” o pananaw.
Baka Bet Mo: Michelle Dee handang-handa na sa Miss Universe pageant: ‘I’m giving everything…200% of myself’
“We’re ready,” sey ng Miss Universe 2015 titleholder.
Sambit pa niya, “What I love about Michelle and I’ve mentioned that before, she’s clear about her vision. She knows what she wants. But she says it in a sweet and gentle way [which] is very queenly.”
Patuloy niya, “She knows what she wants to talk about. She knows what styling to go for, and I appreciate that in a winner.”
Ibinunyag din ni Pia na nasilip na niya ang susuoting gown ni Michelle, pero hindi na niya ito idinetalye.
“I’m very excited to see what she has in store for us and she gave me a sneak peek… pero noong una kong nakita, kinilig ako para sa kanya,” kwento ng dating beauty queen.
Dagdag niya, “As in sabi ko, ‘Girl, ang ganda!’ I’m sure people will have the same reaction. Basta I loved it and that’s my reaction.”
Para kay Pia, may malaking “fighting chance” ang Pilipinas upang makuha ang Miss Universe 2023 title.
Nabanggit din niya na kakausapin niya nang masinsinan si Michelle upang magbigay ng advice at tips bago lumipad sa El Salvador kung saan gaganapin ang kompetisyon.
“I’m actually gonna have a moment to speak to [Michelle Dee] in private and nang mas matagal this weekend,” ani ni Pia.
Paglalahad pa niya, “I’m preparing the notes that she needs to remember, just the trivial things so she can have a nice routine because I think they’re going to be there for a few weeks.”
Si Pia ang ikatlong Pinay na nakapag-uwi ng Miss Universe title noong 2015, pagkatapos nina Gloria Diaz (1969) at Margarita Moran (1973).
Habang si Catriona Gray ay nagwagi naman noong 2018.
Si Michelle ay nakatakda nang lumaban at irepresenta ang ating bansa sa darating na November 18.
Related Chika:
Michelle Dee sa pagkapanalo sa MUPH 2023: #DEEPATAPOS ang laban! Nag-uumpisa pa lang tayo…
Janine gustong makilala ng tao sa talento: I always wanted to be more than just pretty…