Loisa Andalio pangarap magkaroon ng fantaserye: ‘Favorite ko talaga yung ‘Lobo’ ni Angel Locsin’

Loisa Andalio pangarap magkaroon ng fantaserye: 'Favorite ko talaga yung 'Lobo' ni Angel Locsin'

Loisa Andalio

ISA sa mga dream project ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio ay ang mapasama sa isang bonggang fantasy series.

Matagal na raw niyang pangarap na magkaroon ng karakter sa fantasyerye at wish na sana’y matupad ito sa mga next projects niya sa ABS-CBN.

“Ang dami kong dream role. Mas gusto ko ‘yung fantaserye talaga. Nae-enjoy ko ang mga ganu’n. Actually favorite ko yung ‘Lobo’ ni Angel (Locsin) dati.

“Kasi ‘yung tao biglang ‘yung magiging transition niya (lobo),” ang chika ng aktres sa interview ng “Star Magic Celebrity Conversations.”

Sa tanong kung kung sinu-sino naman ang gusto niyang makasama sa mga susunod na proyekto niya sa Kapamilya Network, wala siyang binanggit na mga pangalan.

“Anyone, kahit sino. Actually wala akong pinipili na makatrabaho. Kahit sino kasi matututo ka naman. Kasi hindi ba lahat ng mga tao ay iba’t iba ang personality.

Baka Bet Mo: Loisa Andalio sumusumpang walang ipinaretoke sa mukha’t katawan: ‘Your body, your rules… Ayun lang po’

“So, wala akong pinipili kahit sino, okay naman ako makatrabaho. Gusto ko ‘yung nasu-surprise ako, paano niya kaya ito iaatake yung eksenang ito yung mga ganyan,” chika ng dalaga.


Bata pa lang daw ay talagang pangarap na niya ang mag-artista, “As in kapag tinatanong ako ‘ano ang pangarap mo, ano ang course mo?’ ‘May course ba ang artista?’ ‘Yung mga ganyan.

Baka Bet Mo: Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n’yo!

“Kasi growing up fan ako ng TV, ng ABS-CBN. Talagang fan ako ng mga Star Magic artists. ‘Yun talaga ang goal ko. Mahilig akong kumanta at sumayaw,” dagdag pa niyang chika.

Pagbabalik-tanaw pa ng girlfriend ni Ronnie Alonte, “Naalala ko tuwing summer, kasi sa public (school) ako nag-aaral, kapag mataas ‘yung grades ko, ‘yung tita ko sa ibang bansa ay pinagwo-workshop niya ako sa Star Magic.

“So, talagang bata pa lang ako ay nagwo-workshop na ako ng acting, singing, dancing. Talagang gusto ko talaga,” lahad ni Loisa.

Napapanood ngayon ang dalaga sa afternoon series ng ABS-CBN na “Pira-Pirasong Paraiso,” mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Read more...