Bigong makapasok ang bet ng Pilipinas sa Top 20 ng Miss Grand International 2023 grand coronation night sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Hindi na siya umusad sa susunod na round kung saan napili sa Top 20 ang mga kandidata mula sa Myanmar, United States, Puerto Rico, Nigeria, Czech Republic, Indonesia, Honduras, Laos, Dominican Republic, Colombia, India, Ukraine, Thailand, Peru, Angola, Netherlands, Uzbekistan, France, Spain, at Vietnam.
Sa next round naman ipinakilala ang pasok sa Top 10, at yan ay ang mga representative mula sa Angola, Colombia, Dominican Republic, Indonesia, Myanmar, Netherlands, Peru, Thailand, United States at Vietnam.
Sa mga hindi pa masyadong aware, sa 11 years ng Miss Grand International ay wala pa ni isang Pinay candidate ang nakakapag-uwi ng mailap na titulo at korona.
Parehong naging 1st runner-up ang sa nasabing international pageant ang mga Filipina beauty queen na sina Nicole Cordoves (2016) at Samantha Bernardo (2020).
Ito ang dahilab kung bakit tinatawag ng mga Pinoy pageant fans ang Miss Grand International na isang “cooking show” na pag-aaro ng Thai na si Nawat Itsaragrisil.
Bumuhos naman ang pagbati ng mga Filipino kay Nikki kahit na hindi siya nakapasok sa Top 20.