Rendon Labador: ‘Nang-aaway ako dati galit kayo, ngayong tumutulong ako galit pa rin kayo…hindi ko na alam ang gagawin ko’

Rendon Labador: 'Nang-aaway ako dati galit kayo, ngayong tumutulong ako galit pa rin kayo...hindi ko na alam ang gagawin ko'

Michelle Sabino at Rendon Labador

SA KABILA ng reklamong tinatanggap matapos sumama sa isinagawang raid ng PNP Anti-Cybercrime Group sa isang lending company, tuloy ang adbokasiya ni Rendon Labador para sa mga taong inaagrabyado.

Nanindigan ang social media personality sa kanyang ipinaglalaban para matulungan ang lahat ng mga Filipino na inaapi at nabibiktima ng panloloko.

Ipinagtanggol ni Rendon ang sarili sa mga taong kumukuwestiyon sa pagsama at pagpe-Facebook Live niya sa pangre-raid ng mga tauhan ng ACG sa inirereklamong online lending company sa Makati City last Friday.

Aniya, naiintindihan niya ang sentimyento ng mga empleyado ng naturang kumpanya na pinaghihinalaang nanghaharas at nananakot ng mga taong may pagkakautang sa kanilang kumpanya.


Pero ang ipinaglalaban daw niya ay ang mga tunay na biktima sa kasong ito, kaya naman ani Rendon, hindi siya titigil sa kanyang mga adbokasiya na siyang dahilan ng pakikipag-collab niya sa PNP-ACG.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

“Minsan hindi ko na rin maisip kung ano ang gagawin ko kasi nagbabago na ako,” ang sabi ni Rendon sa interview sa kanya last Monday, October 23 kung saan nakasama rin niya si PNP-ACG spokesperson PCapt. Michelle Sabino.

“Ang adbokasiya ko kasi para lang ma-i-highlight yung aksyon na ginagawa ng PNP-ACG kasi maraming biktima na dumadaing sa akin na wala akong kakayanan na para matulungan sila,” sabi pa ni Rendon.

“Nang-aaway ako dati galit kayo, ngayong tumutulong ako galit pa rin kayo. Hindi ko na alam ang gagawin ko eh,” ang himutok pa ng binata.

Samantala, paliwanag naman ni Sabino, sa pagpayag nila na makasama si Rendon para i-cover ang operasyon, “Ito na yung trend, eh. This is where we are going, this is where we are heading. Iba kasi yung tema ng news (platforms) iba yung vlogger.”

Dinenay naman niya na naging bahagi si Rendon ng mismong raid ng PNP, “Meron kaming collaboration prior to the operation. This collaboration is for the purpose of raising public awareness.”

Read more...