Robby Tarroza humirit uli: ‘Sa totoo lang, ang may kasalanan sa isyu ng KABIT, ay ang mga mambabatas!’

Robby Tarroza humirit uli: 'Sa totoo lang, ang may kasalanan sa isyu ng KABIT, ay ang mga mambabatas!'

Robby Tarroza, Francis Magalona, Pia Magalona, Abegail Rait at Gaile Francesca Rait

TINIRA ng dating aktor at concert producer na si Robby Tarroza ang mga kongresista at senador kaugnay ng kontrobersyal na isyu tungkol sa mga kabit.

Matapang na pinatamaan ni Robby ang mga mambabatas sa walang kamatayang kontrobersya hinggil sa mga taong nangangaliwa at nagtataksil sa kanilang mga asawa.

Ito’y matapos na mag-post ang dating model-actor sa social media ng kanyang mga nalalaman sa naging relasyon noon nina Francis Magalona at Pia Magalona.


Ang claim ni Robby, naging close rin sila ng yumaong Master Rapper noong kasagsagan ng career nito. Marami raw inamin sa kanya si Francis about Pia, kabilang na ang kanilang married life.

Baka Bet Mo: Boy Abunda mas naa-appreciate pa ngayon ang mga mambabatas dahil sa ‘CIA with BA’

Ayon pa kay Robby hindi raw kasal sa Pilipinas ang married couple kaya hindi dapat tinatawag na kabit ang dating stewardess na si Abegail Rait na nagsabing nakarelasyon niya si Francis na nagbunga ng isang anak.

Kung tutuusin nga raw, si Francis pa ang pwedeng tawaging “other man” dahil nagpakasal umano si Pia sa actor-singer sa Hong Kong kahit hindi pa napapawalang-bisa ang kasal sa una niyang asawa.

Sa kanyang Facebook account, muling nag-post si Robby na may konek nga sa mga kabit. Pinatamaan pa niya rito ang mga government officials.

“Sa totoo lang, ang may kasalanan sa mga issue ng KABIT, ay ang mga mambabatas natin!


“Bat kasi wala pa din tayo ‘divorce’  sa Pilipinas??? andami kasi sa kanila may mga kabit???

Baka Bet Mo: Jodi sa mga kabit: You are worthy enough na hindi itago, na dapat ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan

“Andaming vatas na dapat iammend or magpasa ng bagong batas! Pinag aawayan nyo kung saan gagastusin mga pera ng bayan???

“Kalokohan po yan! Help the freakin people with tax payers money! So many issues directly affecting filipino people!” ang matapang na tirada ni Robby.

Hirit pa niya, “Just like the issue i have been fighting for, dual citizenship for Filipino blodded People.

“I’m already in talks to fix this with cong Michael L. Romero. sana this can be fixed! (praying hands emoji),” pahabol pa niya.

Read more...