BUKOD sa inaabangang long weekend sa mga susunod na araw, tatlong araw na ring inalis ang “expanded number coding scheme” sa mga motorista.
‘Yan ay inanunsyo na mismo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa social media ngayong October 23.
Caption sa post, “Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa mga susunod na araw na idineklara bilang special non-working days:
Oktubre 30 (Lunes), Barangay and Sangguniang Kabataan Elections
Nobyembre 1 (Miyerkules), Araw ng mga Santo
Nobyembre 2 (Huwebes), Araw ng mga Kaluluwa”
Baka Bet Mo: COVID-19 hindi na itinuturing ‘global health emergency’ –WHO
Paalala pa ng MMDA, “planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.”
“Hangad ng MMDA na maging ligtas ang inyong mahabang bakasyon,” ani pa.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang number coding scheme ay karaniwang epektibo tuwing rush hours mula 7:00 a.m. hanggang 10:00 a.m. at mula 5:00 p.m. hanggang 8:00 p.m.
Sinusunod ‘yan depende kung ano ang nakalagay na numero sa plate number ng mga sasakyan.
Ang mga sasakyan na nagtatapos sa 1 at 2 ay kailangang sundin ang number coding scheme tuwing Lunes.
Gayundin ang gagawin ng mga numerong may 3 at 4 kapag Martes, ang 5 at 6 ay tuwing Miyerkules, 7 at 8 kapag Huwebes, at 9 at 0 naman tuwing sasapit ang Biyernes.
Ang mga “exempted” sa nasabing batas ay ang mga Public utility vehicle (PUV), transport network vehicle services (TNVS), motorcycles, garbage trucks, fuel trucks, marked government vehicles, trucks, ambulances, marked media vehicles, at vehicles carrying essential and perishable goods.
Read more:
NWorld buking sa illegal ‘investment scheme’ ng beauty and skin care products