KAHIT parehong hands-on sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang anak, sinisiguro nina Meryll Soriano at Joem Bascon na may time pa rin sila para sa isa’t isa.
Dalawang taon na ngayon ang panganay nilang anak na si Gideon o Gido at mula nga nang ipanganak ang bata ay talagang sila ang kasa-kasama nito dahil wala silang yaya.
Ayon kay Meryll, sa kabila ng mga challenges na hinaharap nila ni Joem bilang parents, they make sure na naglalaan sila ng panahon para makapag-date at mag-catch up sa isa’t isa pagkatapos ng kanilang mga trabaho.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktres ng litrato nila ni Joem na may caption na, “If we could date everyday, we would. Our favourite thing to do.
“We get to talk about everything without the Little Boy screaming. Toddler stage is oh-so-difficult.
“And, with the intense parenting of having no yaya, we take all the chance we get to escape Gido,” aniya pa.
Ipinagdiinan din ng award-winning actress na binabalanse nila ng kanyang partner ang lahat ng aspeto ng kanilang married life at showbiz career.
“We love being parents, we love being partners and we love our individuality,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Joem natanggap ang ‘biggest blessing’ sa panahon ng pandemya; ‘The Other Wife’ kabit movie with a twist
Matatandaan na noong December, 2020 nang dumating sa buhay nina Meryll at Joem ang anak nilang si Gideon.
Kasama rin nila ngayon sa bahay si Elijah, ang anak naman ng aktres sa dating karelasyon na si Bernard Palanca.
Sa isang panayam, sinabi ni Joem na ibang-iba raw pala talaga ang feeling ng pagiging magulang, “Sobrang happy ko. Hindi ko siya ma-explain. Basta sobrang saya ko.
Baka Bet Mo: Meryll super pa-girl nang tanungin si Joem kung kailan magpo-propose: Ayokong marinig! Gusto ko surprise!
“Hindi ko naramdaman siguro ‘yung pandemic, ‘yung quarantine because nasa bahay lang ako and naka-focus lang kami ni Meryll sa baby namin.
“I’m just happy na nagkaroon kami ng blessing noong nangyayari ‘yung kaguluhan sa buong mundo (pandemya). And I guess ayon ‘yung sagot namin to be strong, to be loving, sa bahay namin para mabigay namin lahat ng pangangailangan sa anak namin,” aniya.