Ricci Rivero umaming dyowa si Leren Mae Bautista: Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya…

Ricci Rivero umaming dyowa si Leren Mae Bautista: Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya…

Ricci Rivero, Leren Mae Bautista

FINALLY! Lumabas na rin ang tunay na real score ng basketball player na si Ricci Rivero at beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.

Sa Instagram, deretsahan nang inamin ni Ricci na girlfriend niya si Leren.

Kalakip pa niyan ang isang litrato na magka-holding hands sila sa loob ng kotse.

“To the girl who I see as a real QUEEN [crown emoji] With all the wrongs hounding me, I’m blessed to have found the right one,” caption niya.

Baka Bet Mo: Leren Mae Bautista umalma sa tsismis sa kanila ni Ricci Rivero, fake news daw: ‘These claims have no basis in reality…’

Wika pa niya, “Allow me to shield you from things you don’t deserve.”

Ayon pa sa kanya, “Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya.”

Hindi man binanggit ng basketbolista ang kanyang ex-girlfriend na aktres na si Andrea Brillantes, tila iginiit pa rin ni Ricci na hindi nagkaroon ng third party noon.

Magugunitang si Leren ang tinutukoy na dahilan ng maraming netizens kaya nagkahiwalay ang young actress at ang basketball player.

Caption ni Ricci, “Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.”

“I love seeing how you genuinely continue to help and care for people everyday despite others trying to ruin your reputation,” patuloy niya.

Pangako niya sa beauty queen, “Rest assured I will be with you in inspiring people to always be better.”

“Thank you for being so selfless and simple. I promise to never again live a life manipulated by someone’s fantasy,” saad niya.

Aniya pa, “This is our story, hindi dapat iba ang mag kwento ng storya nating dalawa! [heart emoji]”

As of this writing, one hour ago pa lang mula nang ipinost ito ni Ricci at maraming netizens na ang nagko-congratulate sa dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“So happy for both of you. Kilig naman!! alam natin ang totoo and that’s all that matters”

“May God bless both of you. We love you and we will always be here praying for you guys. Take care of each other, love each other, respect each other and always put God in the center of your relationship.”

“You are such a nice boy ever since I met you, you deserve all the genuine love & Care”

“Stay happy and continue to find your inner peace.”

Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Leren sa hiwalayan nina Ricci at Andrea matapos siyang mag-post na magkasama sila sa kaarawan ng basketball player habang nagsasagawa rin ng outreach program sa Laguna. 

Sumunod diyan ay kumalat sa social media ang ilang mga litrato na spotted na magkasama ang basketball player at beauty queen.

Kung maaalala, si Ricci mismo ang nagkumpirma na hiwalay na sila ng aktres.

Pakiusap pa niya, sana raw ay tigilan na ng iba ang paggawa ng kwento at pagdamay sa ibang tao sa isyu.

Humingi rin ng tawad ang binata sa mga fans at supporters nila ni Andrea na labis na naaapektuhan sa kanilang paghihiwalay.

Related Chika:

Read more...