Baron Geisler hindi totoong tinanggal sa ‘Senior High’, ayon sa talent manager

Baron Geisler hindi totoong tinanggal sa ‘Senior High’, ayon sa talent manager
PHOTO: Instagram/@baron.geisler

NAGLABAS na ng pahayag ang talent company na namamahala sa showbiz career ng batikang aktor na si Baron Geisler.

Ito ay patungkol sa kumakalat na reports na tinanggal umano si Baron sa teleseryeng “Senior High” dahil bumalik daw ang bisyo nito sa pag-inom.

Kung maaalala, natalakay nga rin ‘yan sa “Showbiz Update” ni Ogie Diaz kung saan iginiit niyang may source siya na nagsasabing may katotohanan ang mga usap-usapang ito.

Ayon kay Ogie, “May isyu naman talaga doon at ‘yan ay pinaninindigan ko at pinaninindigan ng aking source na nagbabalak silang tanggalin si Baron Geisler dahil umiinom pa rin daw sa set… Yun ang isyu.”

Ngunit pinabulaanan ito mismo ni Arnold Vegafria, ang presidente ng ALV Talents Circuit na may hawak sa karera ni Baron.

Baka Bet Mo: Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

Nilinaw ni Arnold sa isang pahayag na pansamantalang pinagpahinga na muna ang aktor sa nasabing serye upang makapag-focus ito sa gagawing dalawang pelikula at pagkatapos nito ay babalik na ulit ito sa “Senior High.”

“Contrary to the misleading reports of some showbiz reporters, my talent Baron Geisler has not been terminated from his ABS-CBN teleserye project ‘Senior High’ because of his delinquent behavior,” wika ni Arnold.

Saad pa, “Baron has been given clearance by the show’s producer to take a temporary break for him to focus on two movie projects (one local, one international), after which he will resume his taping for ‘Senior High.’”

Nabanggit din ng talent manager na nakapag-usap sila nang mabuti ni Baron at nakita niya mismo na nagbago na talaga ito.

“I had the privilege of having a heart to heart talk with Baron recently and saw for myself how much he has reformed since his ‘bad boy’ days some years back,” sambit niya.

Panawagan pa niya, iwasan na sana ang panghuhusga sa aktor at bigyan sana ng ito second chance na patunayan ang kanyang sarili.

Lahad niya, “He remains the same talented, world-class and award-winning actor that we all know, and because of his inspiring story of redemption, I believe that he deserves a second chance – that’s why I didn’t hesitate to take him back under my management.”

“I just hope that we can put an end to all these baseless allegations and refrain from making any unfair judgment until we validate the truth,” aniya pa.

Kamakailan lang, masayang ibinandera ni Baron ang kumpirmasyon ng kanyang attendance sa kakatapos lang na ABS-CBN Ball.

Makalipas kasi ang 14 years mula nang ma-ban siya sa engrandeng event dahil sa kanyang “bad behavior” noon ay nakatanggap na ulit siya ng imbitasyon.

Ipinangako ng aktor na hindi niya sisirain ang tiwala at tsansa na ibinigay sa kanya.

Mukhang tinupad naman ito ni Baron dahil wala naman tayong narinig na balita kung nagkaroon ng isyu sa pagdalo ng aktor sa nasabing event.

Related Chika:

Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’

Baron Geisler kuntento na sa buhay, masaya sa Cebu kasama ang pamilya: That’s where God transformed me…

Read more...