Sikat na aktres natupad ang pangarap na magkaroon ng ‘break’ sa trabaho; ‘Nag-Aapoy Na Damdamin’ humakot ng nominasyon sa TAG Awards sa Chicago

Sikat na aktres natupad ang pangarap na magkaroon ng 'break' sa trabaho; 'Nag-Aapoy Na Damdamin' humakot ng nominasyon sa TAG Awards sa Chicago

KASALUKUYANG nanahimik at ninanamnam ng sikat na aktres ang kanyang bakasyon o bilang wala sa harap ng camera.

Ito raw ang matagal nang gustong gawin ng sikat na aktres, ang magpahinga dahil ilang taon nga naman siyang ratsada sa paggawa ng teleserye at pelikula bukod pa sa iba nitong ginagawa outside showbiz.

Tinanong namin ang aming source kung ano ang ginagawa ngayon ng sikat na aktres kung hindi ito naglalabas ng bahay.

Baka Bet Mo: Barbie, Maris game na game magsama sa isang collab project ng ABS-CBN at GMA; Ria, Tony, JC, Jane bibida sa ‘Nag-Aapoy na Damdamin’

“Lumalabas naman lalo na kapag may dinadaluhang meetings may mga negosyo naman kasi siya kaya kahit paano ay may source of income naman siya.

“Pag nasa bahay the usual siguro nag-aayos ng bahay, naglilinis, nagluluto at gamer na siya kaya hindi naiinip kahit mag-isa lang sa bahay,” tsika ng aming source.

Pero may plano namang bumalik showbiz pa ang sikat na aktres, “meron daw, hindi lang alam kung kailan, siguro kapag may magandang project na offer, baka.”

At isa pang dahilan kaya hindi naiinip ang sikat na aktres ay dinadalaw o may bonding moments sila ng mga kaibigan din niyang nasa showbiz.

Nami-miss na ang sikat na aktres ng kanyang mga tagahanga.  Kailangan kaya siya magiging aktibo ulit.

***

Titindi pa ang nakakagigil na gantihan sa “Nag-Aapoy Na Damdamin” sa pagbubukas ng season 2 ng programa at kasabay nito ang good news na ang mga bida nitong sina Jane Oineza, JC De Vera, at Ria Atayde ay nakasungkit ng nominasyon sa 4th Annual TAG Awards Chicago.

Nominado sina Jane at JC bilang best actress at best actor habang si Ria naman ay nominado bilang best supporting actress para sa serye.

Ikinagulat naman ng mga manonood ang trending na season-ender scene kung saan isiniwalat na ni Claire (Jane) kay Philip (JC) na bumalik na ang kanyang alaala matapos mailigtas mula sa misteryosong pagkadakip.

Sa pagsisimula ng season 2 ng “Nag-Aapoy Na Damdamin,” tuluyan nang pinangatawan ni Claire ang kanyang katauhan bilang si Olivia na unang asawa ni Lucas (Tony Labrusca) habang desidido naman si Melinda (Ria) na ipaglaban ang pagmamahal niya kay Lucas.

Sa kanyang tila pagbangon mula sa hukay dahil sa matinding pinagdaanan, handa na si Olivia na isagawa ang kanyang paghihiganti sa mga taong nanakit at nanloko sa kanya.

Samantala, nakisaya naman sina Jane at JC sa naganap na Buglasan Festival sa Negros Occidental noong Sabado kasama ang co-star na si Elyson De Dios at Kapamilya actor Aljon Mendoza.

Ito ay bilang pasasalamat na rin sa patuloy na suporta na natatanggap ng gantihan serye mula sa mga manonood.

Maghahatid naman ng good vibes sina Jane, JC, Ria kasama ang “Hex Boyfriend” stars na sina Aljon at Karina Bautista sa KCC Mall de Zamboanga ngayong Sabado (Okt. 21), 5pm.

Huwag palampasin ang nagbabagang emosyon sa “Nag-Aapoy Na Damdamin” mula Lunes hanggang Biyernes, 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, Twitter (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Chika:

Dyowa ni Bela Padilla super proud sa latest movie ng aktres; Mga eksena nina Philip, Jane, Tony lalong nag-iinit sa ‘Nag-aapoy Na Damdamin’

Read more...