KAYA pala bilang lang sa daliri sa kanang kamay ang pelikula ng aktres at aktor ay dahil kapag kasama sila ay hindi kumikita kahit pa maganda ang istorya, magagaling ang ibang kasamang artista at tadtad pa sa promo.
Nabanggit ito ng ilang kausap naming indie at mainstream director plus producers na ilang beses na nilang isinama sa pelikula nila ang aktres at aktor at laging hindi kumikita at kasagsagan pa ito na laging may box office hits ang kilalang movie outfit at pagdating sa pelikulang kasama ang dalawa ay nasa 20% lang ang result sa box-office.
Labis din kaming nagulat dahil magaling umarte sina aktres at aktor bukod pa sa medyo mataas din ang talent fees nila kasi naman may mga pangalan naman talaga, pero ang nakatataka ay hindi sila gusto ng tao kapag panonoorin na sila sa sinehan.
Pero kapag sa mga TV series na kasama sila ay naghi-hit naman at marami silang fans, pero pag may bayad na ay nawawala naman ang supporters nila, anyare?
“May ganu’n naman talaga, ‘di ba nga sabi nila hanggang TV star lang at hindi movie star. May iba naman mas okay sa movies, pero kapag binigyan mo ng series, waley at kilala naman ng lahat kung sino kahit pa super sikat at husay niyang umarte.
“Pero itong sina (aktres at aktor) ay okay naman sa series kung baga sa 100%, nasa 75% naman na pinanonood sila lalo na kung may mga ka-loveteam sila, pasok,”esplika sa amin ng mga kausap naming direktors at producers.
Bale ba word of mouth pa man din ang mga direktors at producers sila-sila nagtsi-tsismisan kung sino ang ayaw at gusto nilang ka-work.
Buti na lang si aktres ay may kaya at nakapagpundar ng sariling bahay at lupa bago dumalang ang offers at si aktor naman ay sobrang sipag kaya kahit walang project ay mabubuhay dahil may naipundar palang farm ito sa probinsya na doon siya naglalagi kapag walang ganap sa Manila.
***
Maiinit ang pagtanggap ng viewers sa kauna-unahang teleserye ng New Gen Loveteam na DonBelle sa pilot episode ng “Can’t Buy Me Love” nitong Lunes (Oktubre 17) na nakakuha ng 454,413 live concurrent views at nanguna sa X (dating Twitter) trending list nationwide.
Ayon kay Donny, mas challenging ang roles nila rito at kakaiba sa mga dating ginampanan nila.
Sey ni Donny, “Ang daming bago talaga. Ang question talaga kung anong similarities and there are so many new things na hindi niyo pa nakikita sa past projects.”
Dagdag pa niya, hindi lang kilig ang ipaparamdam ng mga karakter nilang sina Bingo (Donny) at Caroline (Belle).
Baka Bet Mo: DonBelle inihalintulad ni John Lapus sa KathNiel
“Hindi ito yung typical rom-com. Ang daming genre in one show, may romcom, drama, mystery. Ang dami mong emotions na mafe-feel and marami ka rin questions na gustong malaman every episode,” saad niya.
Para naman kay Belle, ituturo ng kwentong ito kung bakit hindi talaga mabibili ang pag-ibig.
“You can’t buy love. You can buy happiness, but you can’t buy everything. You can only find true happiness in yourself and the people surrounding you,” sabi niya.
Samantala, hindi lang naman sa social media nanguna ang serye dahil kasalukuyang Top 1 most watched show din siya sa Netflix Philippines.
Sa pilot episode, nakita ng viewers ang mga masalimuot na nakaraan nina Bingo at Caroline noong mga bata ito. Iniwan nga si Bingo ng kanyang ina para ayusin ang malaking utang nito habang si Caroline naman ay nakita ang inang nasaksak matapos pasukin ang kanilang bahay ng hindi kilalang tao.
Sa pagkamatay ng ina, napilitang tumira si Caroline sa unang pamilya ng ama na simula pa lang ay ipinaintindi sa kanyang sampid lang siya sa pamilya. Samantala si Bingo naman ay kinupkop ni Lola Nene matapos niyang sagipin ito mula sa pagkakabangga.
Unang magtatagpo ang landas ng dalawa sa engagement party ng kapatid ni Caroline na si Bettina (Kaila Estrada). Pumunta nga si Caroline dito at nagsuot ng itim para ipaalala ang death anniversary ng ina. Samantala gusto naman i-present ni Bingo ang kanyang ideya kay Wilson.
Huwag palampasin ang pilot week ng “Can’t Buy Me Love” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5. Maari rin ito panoorin in advance sa Netflix o iWantTFC.
Related Chika: