HINDI pumasok sa isipan ni Piolo Pascual na gagawa siya ng pelikulang horror-thriller na may tatlong karakter kaya inamin niyang nahirapan talaga siyang gawin ang Mallari: The Movie na entry ng Mentorque Productions at CleverMInd, Inc para sa 2023 Metro Manila Film Festival na mapapanood na simula Disyembre 25.
Ito ang ikalawang MMFF entry ng aktor pagkalipas ng 21 years dahil ang huli ay ang “Dekada 70” (2002) kung saan nanalo siya bilang Best Supporting Actor for Famas, FAP, Gawad Urian, at Best Performance sa Young Critics Circle Award.
Panimula ni Piolo nang ialok sa kanya ang “Mallari” ay tinanggihan na niya dahil nga busy siya sa rami ng ginagawa niya dahil nataon ito na gagawin niya ang musical play na Ibarra at madugo ang rehearsals na kinailangan pa niyang tumira sa hotel ng isang buong buwan malapit sa venue para mas madali para sa kanya.
Kuwento niya, “I got a phone call for a pitch for three characters, Mallari, I didn’t know it was real, tatlong karakter, horror at serial killer siya, ‘Yun lang ang sinabi sa akin kaya sabi ko ‘No’ because I was working with Ibarra and I was doing a film back then I still have a (US) tour, so there’s now way to squeezed with my busy head, sabi ko.
Baka Bet Mo: Talent fee ni Piolo hindi tinawaran ng producer ng ‘Mallari’ na si Bryan Dy: ‘Nahihiya pa nga ako dahil…’
“And same day I had a shooting with Kyle Echarri and Joao (Constancia) and we’re talking serial killers (US) kaya sabi ko, ‘do we have any serial killers in the Philippines? Then si Joao googled it and sabi niya there is, Severino Mallari sabi ‘o, shit, I stood up and it’s a real guy, a real person so it give me goosebumps. Kaya sabi ko, ‘Lord ano ba ‘to sign?’”
Dagdag pa ni Piolo, “so, I call my manager sabi ko, ‘ sige pa-pitch tayo.’ Nagpa-pitch na kami, napakaganda, napakaganda! Pero sabi ko, tatlong karakters, napakahirap! Kailangan ko pa ba ito ngayon (stature niya) busy kasi ako, eh,” natatawang sabi ng aktor.
At dahil sa tsikang mahirap nga ang role ay napangiti ang aktor nang tanungin na siya ang highest paid actor ngayon sa local showbiz.
“Huwag lang ako habulin ng BIR (Bureau of Internal Revenue), kasi nu’ng sinabi nilang tatlong karakter ay hindi naman puwedeng ganito lang (talent fee ko). Hindi ko naman alam kung magkano ang talent fee ng iba pero binigyan namin sila ng talent fee na sana humindi, e, um-oo, naku napasubo tayo. Sa talent fee na sana aayawan sana, e, mayaman si Sir Bryan (Dy),” sey ni Piolo.
“Hindi sila tumawad! Ha! Ha! Ha! Nahiya sila. Sabi ko, ‘’buti naman, kasi sabi ko pag tumawad kayo, hindi po talaga. Mahirap e.”
Chika pa ni Piolo, “Buy one take three, e. I even had one scene where I had to play another character. So, I did four. It was really mind-boggling for me. It was a bit of a stretch. But it was a good exercise at the end of the day, because we were able to pull off and, you know, pull through because of the collective effort.
“I don’t usually ask for it. But when I was told that it’s based on this documented serial killer, a horror genre and at the same time, malaki yung scope, that’s the first thing I asked for — what’s the production value of the film? I just wanted to make sure na hindi tayo maku-compromise.”
Sabi naman ni Mentorque producer, Bryan Diamante, “From the beginning po talaga, hindi po talaga kami tumawad, because we know hindi po talaga ganun kadali ang pinagawa po namin sa kanya (Piolo). As in, alam namin yun on the onset na it’s gonna be really hard na ano. So, para at least ano, you want them to be happy also. I think that’s what we did with the entire crew. Halos ganun ang ginawa ng Mentorque Productions.”
Gagampanan ni Papa P. ang karakter na Fr. Juan Severino Mallari, the Philippines’ first-ever documented serial killer, in his debut horror film mula sa direksyon ni Derick Cabrido at sinulat ni Enrico Santos. Kasama rin sina JC Santos, Janella Salvador, Elisse Joson, and Gloria Diaz with the special participation of Mylene Dizon.
Samantala, taon talaga ni Papa P ang 2023 dahil bukod sa kaliwa’t kanan projects both series, movies, musical play, concert abroad ay habang sinusulat namin ang balitang ito ngayon ay sold out na ang concert niyang An Ultimate Night with Piolo ngayon sa Newport Performing Arts Theater, Resort Worlds directed by Mr. Johnny Manahan.
“Gagalingan kong kumanta’t sumayaw para mapasaya ko ang manonood,” sabi ng aktor.
Related Chika:
Producer ng ‘Mallari’ pinaghandaan ang talent fee ni Piolo Pascual: ‘Hindi na kami nagtangkang tumawad, kasi…’