Robert Bolick ibinandera ang pagbubuntis ng asawa: We are 10 weeks pregnant!

Robert Bolick ibinandera ang pagbubuntis ng asawa: We are 10 weeks pregnant!
PROUD na ibinandera ng basketball player na si Robert Bolick ang pagbubuntis ng kanyang asawang si Cassandra Yu Bolick.

Ito ay ibinahagi ng basketbolista sa kanyang Instagram post itong noong Martes, October 17.

Isang bible verse rin ang ibinahagi ni Robert kalakip ng video na kaniyang in-upload bilang pagbabahagi ng magandang balita sa madlang pipol.

“For this child we have prayed and the Lord has granted the desires of our heart. 1 SAMUEL 1:27,” pagbabahagi ng basketbolista.

Baka Bet Mo: Robert Bolick may pakiusap sa pamilya, nagpasalamat sa asawang si Cassandra Yu

Makikita rin sa video na talagang masaya si dahil napasigaw at napayakap pa ito sa kanyang asawa habang hinahalikan nito ang kanyang tiyan.

Chika ni Robert, “We are 10 weeks pregnant!! #BABYBOLICK2024.”

Samantala, isinabay naman ni Cassandra ang reveal sa kanyang pagdadalang tao sa simpleng selebrasyon ng birthday ng basketbolista.

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang congratulatory messages para kina Robert at Cassandra.

“OMG!!!!! Congratulations!!! Sabi ko sayo ikaw na next!!!!” saad ng isa.

Comment naman ng tagasuporta ni Robert, “Idol, bakit ka umalis ng bleague? Good news sana yung pregnancy ng asawa mo. Sayang lods. Goodluck sa career and congrats.”

“Wow congrats to the both of you!” sey naman ng isa.

Matatandaang May 2022 nang mangyari ang civil wedding nina Robert at Cassandra at nitong June 2023 naman ginanap ang kanilang church wedding.

Related Chika:
Robert Bolick ikinasal na, sariling ina dismayado: What a shame!

Read more...