MALAKING tulong sa mga Filipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Amerika ang Pinoy fashion model at host na si Chris Wycoco.
Isa si Chris sa mga kababayan nating maituturing na bagong bayani sa US dahil sa kanyang adbokasiya na makatulong at mapadali ang buhay ng ating mga OFW.
Sa isang panayam kamakailan kay Chris na siyang nagmamay-ari ng kumpanyang Wycotax, tinalakay ang mga issue tungkol sa taxation sa US para sa mga Filipinong nagwo-work doon.
Si Chris ay isang dalubhasa sa taxation sa US at sa loob ng 11 taon ay marami na siyang natutulungang mga Pilipino at iba pang nationalities sa kanilang mga personal at business tax procedures at mga issues.
Ang tax services ni Chris Wycoco ay available para sa buong taon. Ang kanyang company ay hindi lamang nag-aalok ng mga preparations para sa mga tax returns.
Gumagawa rin sila ng mga plano para sa mga paghahain ng buwis sa mga darating na taon at nagbibigay ng tulong at mga strategies kung paano ito dapat iproseso.
Si Chris ay may lisensya na gumawa ng mga taxes sa 50 states ng Amerika.
Ang kanyang kumpanya na Wycotax ay nagbibigay din ng mga seminars sa California at Texas tungkol sa kung paano magsimula ng mga negosyo.
Ang mga indibidwal na may mga negosyo ay nakakakuha ng mas maraming bawas sa buwis kumpara sa mga manggagawa na may regular na suweldo.
Ang prosesong ito ay nag-aalok din sa mga Filipino ng landas tungo sa US Citizenship sa pamamagitan ng kanilang sariling negosyo.
Maraming Filipino sa US ang komportable at sinasabing mas madaling makausap at humingi ng tulong at serbisyo mula sa isang “kababayan” na tulad ni Chris.
Maginhawa at secure sila sa kanilang finances kapag nakikipag-usap sa isang pamilyar na mukha mula sa Pilipinas.
Baka Bet Mo: Francine Diaz, Seth Fedelin nagpakitang-gilas sa ‘It’s Your Lucky Day’, pinuri ng madlang pipol bilang mga host
* * *
Trending at nanguna sa X (dating Twitter) nationwide ang pinakabagong game-variety show ng Pilipinas na “It’s Your Lucky Day.”
Ito ang pansamantalang ipinalit sa “It’s Showtime” na tatagal ng 12 araw, na kinabibilangan ng Pambansang Host na si Luis Manzano, Robi Domingo, Melai Cantiveros at Jennica Garcia noong.
Bongga ang unang araw ng programa dahil bukod sa show pati kina Luis, Robi, Melai, at Jennica ay nasa trending list din ang mga kasama nila na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, Shaina Magdayao.
Nagdagdag din sa saya sa kanilang pilot episode ang mga komedyanteng sina Petite, Tetay, Negi, at Long Mejia.
Binati at pinasalamatan naman nila ang buong pamilya ng “It’s Showtime” sa pagbibigay suporta ng mga ito sa kanila.
Sa unang episode ng “It’s Your Lucky Day,” pasabog agad ang hatid nina Luis sa kanilang maswe-swerteng segments, “Pang-Ma-Luck-Cashan,” “Luckyng Kalye,” Lucky Pick,” “Pot Luck,” at “Stars for All Season.”
Sa “Pang-Ma-Luck-Cashan,” sampung mapalad na studio audience members ang pwedeng manalo ng cash prizes. Lima sa kanila ang uusad sa jackpot round, kung saan haharapin nila ang “Cashingko” board para palakihin din ang maiiuwing pera.
Diskarte naman ang kailangan para sa “Lucky Pick” kung saan pipili ang mga napiling audience member ng kanilang lucky weapon para sa “Hamon of the Day” at talino ang gagamitin ng ilang studio contestants sa “Pot Luck” para sagutin ang mga nakahandang tanong.
Ang mga mananalo sa dalawang segments ay tutuloy sa jackpot round na ‘Match Swerte’ kung saan kailangan nila hulaan ang item na kukumpleto sa ‘showcase’ ng araw na yun.
Hindi lang studio audience ang maswerteng mag-uuwi ng pa-premyo dahil iikot din ang Lucky Stars sa iba’t ibang baranggay para makapagbigay ng grocery package at pera sa “Luckyng Kalye.”
Pangarap naman ng mga Pilipinong may edad 50 pataas ang tutuparin sa “Stars for all Season.” Bawat araw, dalawang mang-aawit ang maglalaban-laban sa dalawang rounds at kakanta ng tig- isang modern at classic song. Ang aspiring singer na makakakuha ng pinakamaraming bituin ay tutuloy sa weekly finals.
Samantala, abangan din sa susunod na mga araw ang iba pa nilang hosts na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri pati na ang kanilang surprise guests.
Panoorin ang kwela at masayang pamilya ng “It’s Your Lucky Day,” mula Lunes hanggang Sabado, 12 noon, mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 27, sa GTV, A2Z, Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.
Related Chika: