Miss Grand PH 2023 candidate Catherine Camilon nawawala, pamilya nanawagan: ‘Nasaan ka na? Umuwi ka na…’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Catherine Camilon
SUNUD-SUNOD ang panawagan sa social media ng mga magulang at kapamilya ng beauty queen at Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon.
Itinuturing nang “missing person” ang dalaga dahil ilang araw itong hindi umuuwi sa kanilang bahay at hindi rin umano ito nagpaparamdam sa kanyang pamilya.
Base sa mga post sa Facebook ng kanyang mga kamag-anak, noong October 12 pa nila hindi makontak ang si Catherine na siyang nag-represent sa Tuy, Batangas para sa Miss Grand Philippines 2023 na ginanap last July.
Si Nikki de Moura mula sa Cagayan de Oro ang nagwaging Miss Grand Philippines 2023.
Sa kanyang Facebook account, nag-post ang kapatid ni Catherine na si Chin-chin noong October 13, “Baka po mababasa to ng kasama ni Catherine Camilon kagabi na ka work niya, hindi lang po namin alam kung sino, di po matandaan ang pangalan.
“Pasabi naman po baka alam niyo po kung nasaan siya, kagabi pa po siya tumawag 8 pm, kaninang umaga pa po naka off ang phone nya, hanggang ngayon at hindi din po nag oonline, palagi po sya nag aupdate sa amin, ngayon lang po talaga hindi,” sabi pa ni Chin-chin.
Aniya pa sa isang hiwalay na post, “Sana makabalik ka na sa atin, madami nag aalala sayo kung nasaan ka halos dalawang araw ka ng walang update sa amin, wala namang alis na wala kang update, sana okay ka lang kung nasan ka man. Mahal na mahal ka namin.”
Nitong October 14 naman, nag-post din sa FB ang nanay ng beauty queen na si Rose Camilon ng kanyang panawagan sa umanoy “nawawalang” anak.
“Anak nsn ka? uwi na..magbuhay kn ng cp para makausap kn nmin..mahal n mahal ka nmin….Dyos ko tulungan mopo kame makita na oh mkausap ang aming bunso wag nio po ciang pbbyaan.
“Ilayo nio po cia sa kapahamakan. Panginoon wla po akong ibng hinihiling para sa knila kundi ang kaayusan nila..ingatan nio po cia,” aniya.
Kahapon, October 15, muli siyang nag-post ng mensahe para kay Catherine, “Anak..sna alam mo na higit sa aming mga puso at icip na kailangan ka nmin mkita at mksm..mahal n mahal ka nmin.uwi na anak..magiingat ka..kailangan nmin ms mging matatag at matapang para sa iu.”
Samantala, naglabas din ng panawagan ang local online news site sa Batangas na Balisong Channel tungkol sa pagkawala ni Catherine sa ring teacher sa isang public school sa Batangas.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa rin nakikita at nakakausap ng kanyang pamilya si Catherine.