Donnalyn Bartolome at JM de Guzman
NALINLANG na rin ang Kapamilya actor na si JM de Guzman pagdating sa usaping pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Sa katunayan, talagang matindi ang naging epekto nito sa kanyang personal na buhay at career na umabot pa sa puntong napabayaan niya ang kanyang sarili.
“Una, hindi ko kinaya, parang naging hassle siya sa akin. Yun nga, self-destruct kasi bata pa ako nu’n. I learned the hard way,” ang pag-amin ng aktor sa panayam ng press sa naganap na mediacon para sa teleserye niyang “Linlang.”
“Natutunan ko to love myself more, always. Yes, respect yourself, love yourself. Unahin ko na muna ang sarili ko,” ani JM.
Paglalarawan niya sa kanyang sarili ngayon, “Okay naman, mas strong. Mas kaya ko nang magbigay. Before hindi, e.
Baka Bet Mo: JM de Guzman nabaliw dahil sa babae, sinaktan ang sarili: ‘Matindi akong magmahal, kaya nu’ng nawala siya… sobrang sakit’
“Sabi nga nila, paano ka magmamahal kung di mo mahal ang sarili mo? Paano ka magbibigay kung di mo mabigay sa sarili mo?” mariin niyang sabi.
Sa ngayon ay nanliligaw pa rin daw siya sa actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome. In fairness, mukhang super in love nga siya sa dalaga.
Halata ngang kinilig ang binata nang kumustahin ng media ang estado ng relasyon nila ni Donnalyn, “Kanina magka-text kami. Siyempre, kapag naririnig ko ang pangalan niya, nai-inspire ako.”
* * *
Pagbabago ng damdamin sa nakalipas na pag-ibig ang itinampok ng singer-songwriter na si Paulo Agudelo sa kanyang bagong awitin na “Alon” sa ilalim ng DNA Music.
“I caught feelings for that person especially when we went to the sea. That’s why the song is somehow visualizing the sea and is paralleled how feelings are temporary and fleeting like the waves, ani Paolo.
Inaalay niya ang kanta sa mga hindi matahimik dahil sa pagsisisi tulad niya.
“I want to share this song to anyone who has gone through similar problems and battles with their inner regrets and pain just like me,” ani Paulo.
Baka Bet Mo: Gerald ‘reynang-reyna’ ang turing kay Julia; marami nang isinakripisyo dahil sa pag-ibig
Iprinodyus nina Alexis Ip Agudelo, Raymund Marasigan, Buddy Zabala, at Marey Garcia ang awitin na sumasalamin sa kanyang personal na karanasan.
Bilang music producer at musician, nais ni Paulo na makagawa ng mga awitin na aantig sa puso ng mga tao. Nitong Abril, isinulat at inilunsad niya ang kanyang unang single na “Need Me.”
Nakapagprodyus din siya ng ilang awitin na naging nominado sa Awit Awards. Bukod sa kanyang solo career, isa rin siyang drummer ng indie-rock band na JUICEBOX at sessionista sa iba’t ibang banda tulad ng Sandwich, ULTRACOMBO, PartyPace, Shanne Dandan, at marami pang iba.
Damhin ang mensahe ng bagong single ni Paulo na “Alon” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms.