Paulo Avelino: Maraming naging problema pero walang suicide!!!

By Reggee Bonoan October 25,2013
share this

Paulo Avelino: Maraming naging problema pero walang suicide!!!

By Reggee Bonoan October 25,2013
share this

PAULO AVELINO

Sa grand presscon ng bagong seryeng Honesto na mapapanood na sa Lunes, Okt. 28 ay isa si Paulo Avelino sa tinutukan ng entertainment press dahil nga sa mga isyung ayaw niyang sagutin dati.

At dahil honest ang takbo ng kuwento ng nasabing serye ay kailangan niyang sagutin ng tama ang lahat ng tanong bagay na ginawa naman ng aktor.

Katwiran ni Paulo kung bakit ayaw niyang magsalita noon, “Siguro I’ve been aloof answering questions, hindi naman ako nagsisinungaling, I’m very private person kasi. I just want my personal life away from public, as much as possible.”

Single at complicated na raw ang status ni Paulo ngayon at totoong hiwalay na sila ni LJ Reyes. Paliwanag ng aktor, “Sa akin okay na siguro (aminin), as you all know, complicated because I have a son.”

Sinundot namin ng tanong ang aktor kung matagal na silang hiwalay ni LJ, “Ayoko na rin pong magbigay ng specific date, pero, uhm, medyo,” alanganing sagot ni Paulo.

Paano ang schedule ng pagbisita ni Paulo sa anak nila ni LJ? “Sinisiguro ko na may oras ako para sa bata at kapag wala akong ginagawa, as much as possible spending with my son,” sagot ng aktor.

Kinlaro rin ng aktor ang tungkol sa suicide thing ilang buwan na ang nakaraan, “Yung statement na ibinigay ng manager ko, ‘yun po ‘yung sinabi ko sa manager ko, medyo inayos lang ‘yung words.

“Well, first of all, it’s not true! And nu’ng pumutok ‘yung balita, I was working since nagdire-diretso for Holy Week and ayan, nagulat rin ako. Nagising lang ako may tumatawag sa akin at sabi ko nga, nandito lang ako natutulog,” napangiting sabi ng aktor.

Tinanong din namin kay Paulo ang tungkol sa pagtanggi niya sa seryeng pagsasamahan sana nila ni Angel Locsin, “Hindi po naman tinanggihan, but I was considered as one of the cast, and ‘yung time na ‘yun, medyo kumplikado rin po kasi ‘yung nangyayari so, siguro dala rin ng pagod, mga personal issues.

“Iyon po, hindi ko naman tinanggihan dahil ayoko, kung baga, I was just being considered to do and apparently, hindi ko po kaya ng mga panahong iyon,” paliwanag ng aktor.

Nagkaroon nga ba ng depression ng mga panahong iyon si Paulo? “Well, siguro normal po ‘yun sa tao, nalulungkot, sumasaya,” napangiting sabi niya na sinundot uli namin ng tanong na dito tumapat ‘yung panahong inalok siya ng serye at tumanggi siya dahil depressed siya?

“I wouldn’t call it depression, pero I would call it something na normal na napagdadaanan ng tao,” sabi niya.
Paano niya nalusutan ang lahat ng pinagdaanan niya, “Sa akin, sabi nga nila, time heals! Oras lang talaga,” napangiting sabi ni Paulo.

Samantala, halos araw-araw pala ang taping ng Honesto kaya naman nagpapasalamat to the max ang Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal sa buong cast kabilang na sina Eddie Garcia, Melissa Ricks, Joseph Marco, Janice de Belen, Angel Aquino, Maricar Reyes, Nonie Buencamino, Melai Cantiveros, Jayson Francisco, Paulo at Joel Torre dahil talagang hindi raw umangal kahit walang tulog.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending