OPISYAL nang inilabas sa publiko ang pinakabagong website ng Philippine Marine Corps nitong Martes, October 10, 2023.
Ito ay idinisenyo upang magbigay ng mahusay na digital experience para sa agarang impormasyon patungkol sa aktibidad, misyon, at serbisyo ng mga Marine Corps.
Sa mga hindi pa masyadong alam, ang Philippine Marine Corps ay isang hukbong pandagat sa ilalim ng pamumuno ng Philippine Navy at may malaking papel tungo sa pagpapanatili ng seguridad sa bansa.
Ang website na ito ay magsisilbing plataporma para maihayag ang maayos na transparency, at magbigay ng mahahalagang resources para sa mga tauhan nito, mga veterans, at sa pangkalahatang masa.
Kung ikaw ay nagnanais mag-volunteer bilang enlisted marines, reservist, o mag-apply bilang civilian employee, nakalagay din sa website ang listahan ng qualifications at requirements para magkaroon ka ng oportunidad maglingkod at sumabak dito.
Marine Officer Candidate
Isa sa kanilang hinihingi para makapasok ka bilang marine officer ay at least 21 years ka at hindi lalampas ng 26 years old mula sa date ng admission ang iyong edad. Kailangan din na isa kang bonafide Filipino resident na mayroong good moral character, single, at graduate ng kahit anong 4-year bachelor course.
Mayroon din itong kaakibat na military training kaya siguraduhing ready ka para rito.
Baka Bet Mo: Dingdong lieutenant commander na sa Philippine Navy
Reservist
Kung ikaw ay nagbabalak na sumali sa Marine Corps ngunit hindi pa kakayanin ang pagiging full-time sa military, maaari ka pa ring mag-apply bilang isang Marine Reservist.
Alam niyo ba na marami nang kilalang artista ang nasa parte ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang reservist? Katulad ng mga aktor na sina Rocco Nacino, Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, at Baron Geisler. Kasabay na rin ng ilang Pinay celebrities na sina Vilma Santos, Geneva Cruz, Arci Muñoz, at ang beauty queen na si Beatrice Luigi Gomez.
Kagaya ng isang enlisted Marines, kinakailangan ding sumailalim sa matinding trainings at military exercises ang bawat kasapi para maging handa sa mga natural calamities o mga kalaban na hahamon sa ating bansa.
Civilian Workforce
Kahit hindi ka nasa frontline ay maaari ka pa ring sumali bilang suporta, tagapangasiwa ng kaayusan, at katiwala sa mga operasyon ng Marine Corps.
Hindi gano’n kahigpit ang training kapag pipiliin mo ang trabahong ito, at mayroon din silang ilang requirements kung sakaling interesado ka, gaya na lang ng pagkakaroon ng good moral character, 18 ang edad mo pataas, at siyempre dapat physically at mentally fit ka para magtrabaho rito.
Ilan pa lamang ‘yan sa mga detalye na nakalagay sa bagong inilunsad na PMC website. Kung curious ka sa mga pinuno at namamahala rito, naka-highlight din silang lahat para magbigay ng example at inspirasyon sa mga nagnanais maging parte ng Marine Corps.
Para sa kumpletong impormasyon, pwede ninyong bisitahin ang official website (https://www.marinecorps.mil.ph/) ng Philippine Marine Corps.
Iba Pang Balita:
Medical corps ng AFP, PNP ipinahahanda para sa deployment dahil sa pagdami ng health workers na tinamaan ng COVID-19
Oil spill sa Oriental Mindoro patuloy na kumakalat, 24k ektarya ng coral reef ‘nanganganib’