Enchong sa nakuhang nominasyon sa Tokyo filmfest: Naluha ako kasi parang kausap ko lang si Lord nu’ng umaga

Enchong sa nakuhang nominasyon sa Tokyo filmfest: Naluha ako kasi parang kausap ko lang si Lord nu'ng umaga

PHOTO: Instagram/@mr_enchongdee

DREAM come true para sa aktor na si Enchong Dee na makilala ang kanyang pelikula sa ibang bansa.

Excited na ibinalita ni Enchong sa social media na nominado bilang “Ethical Film Award” ang pinagbibidahan niyang “The Fisher” sa 36th Tokyo International Film Festival.

Sa isang Instagram post, proud na ibinandera ng aktor ang ilang pictures ng kanyang mga eksena sa nasabing pelikula.

“Pangarap lang ‘to dati,” wika niya sa IG.

Chika pa niya, “‘The Fisher’ is nominated for Ethical Film Award in Tokyo Film Festival. Friends in Japan, we will have our premiere on Oct 26th and 30th.”

Baka Bet Mo: Enchong wala nang pake sa mga kumukuwestiyon sa kanyang kasarian: ‘Kailangan ‘yung pangarap ko mas malaki kesa sa takot ko’

Sa hiwalay na IG post, ikinuwento ni Enchong na ipinagdarasal niya na makaranas ng nominasyon sa isang international film festival at ilang oras lamang daw ang nakalipas ay bigla itong natupad.

“Yesterday morning, naglilinis ako ng unit tapos kinakausap ko lang si Lord. Sabi ko sana next time ma-experience ko na may nomination ‘yung film na nagawa ko sa ibang bansa,” kwento niya.

Patuloy niya, “Parang random thought lang pero sarili ko lang din kausap ko.”

 “Naluha ako kasi parang kausap ko lang si Lord nung umaga, hindi ko alam may plano pala siyang gano’n,” chika pa niya. 

Ani pa ng aktor, “Hindi ko alam ‘yung award-award sa ibang bansa. Ang alam ko lang, gusto ‘yung pakiramdam na bitbit mo ‘yung pangalan ng Pilipinas sa international stage.” 

Makikita sa comment section na ilan lamang sa mga nagpaabot ng “congratulatory” messages kay Enchong ay ang kapwa-celebrities na sina Bela Padilla, Gretchen Fullido, Ria Atayde, Jasmine Curtis-Smith at ang kanyang co-star na si Eula Valdes.

 

Bukod kay Eula, tampok rin sa “The Fisher” sina Mon Confiado, Heaven Peralejo at Mercedes Cabral. 

Magugunitang nagkaroon ng world premiere ang nasabing pelikula sa 10th Silk Road International Film Festival na naganap sa China.

Kasali rin sa Tokyo film fest ang iba pang Pinoy films na “The Gospel of the Beast,” at “Essential Truths of the Lake” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Related Chika:

Enchong Dee nagbilad na rin ng hubad na katawan, hirit ng netizen: ‘Salamat po sa ayuda!’

Read more...